Blogs atbp

Sumpa

by Franco Coralde Sangreo on May 30, 2013 · 0 comments

Kung minsan pag tinanong ang nanay kung may trabaho sya, ang sagot nya, WALA! Pero kung gumising sya, madaling araw -maghahanda ng babaunin mo anak. Ginagawa nya ito ng walang bayad na kapalit. Dahil ayaw niyang danasin mo ang kanyang kabiguang suklian ng ginhawa ang kanyang ina dahil sa maagang pag aasawa, sumumpa siyang magtiis makatapos ka lang. Hindi naman siguro kalabisan kung ang una mong sahod, sa kanya mo ilaan. Pero paano mo ito gagawin kung bago ka nakatapos, nanay ka na rin. Kumayod ka ngayon para makabawi sa iyong pagkakamali – hindi na sayong nanay kundi sayong sarili. Ngunit dahil sayong kaabalahan; bago mo pa naagapang pagpayuhan, ang anak mo’y nanay na rin. Nagsikap ngayon ang iyong anak para sa kanyang anak, ngunit huli na nang malaman ng iyong anak na nanay na rin ang iyong apo.

Ahedres

by Franco Coralde Sangreo on May 28, 2013 · 0 comments

Parang AHEDRES ang eleksyon… unang susugod ang mga “PAWN” minsan base sa dikta ng “BISHOPS” – itataya nila ang kanilang buhay kung kinakailangan para protektahan ang matataas ng opisyales habang nanood ang mga ito sa likod. Habang tumatagal nakakain ng sistema ang “PAWN” na humahantong sa pagkaubos nito. Hanggang malantad ang mga opisyales na ang totoong pakay ay kainin ang mga matataas na kalabang opisyales. Sa dulo matatapos ang laro at maghihintay uli ng 3 taon para makapaglaro uli. Pagdating ng takdang panahon uulitin ang laro at mananatiling PAWN ang PAWN at KING ang KING!

Ang eleksyon ay parang isang napakahabang telenobela; hindi matapos-tapos ang mga paulit-ulit na eksena. Pare-pareho ang apelyido ng mga gumaganap na kahit ang sama-sama na ng imahen ay hindi mamatay-matay. Walang mga “twist” at madaling mahulaan ang mga sumusunod na kabanata – walang katapusan ang walang saysay na sampalan, ang pagnanakaw, ang paglulustay, ang panliligaw, ang huwad na luha at halakhak ng paghihiganti. Sa kabuuan, papangit nang papangit ang iskrip habang lumalaon. Ang siste, hindi ko naman mailipat ang pihitan sapagkat isang lang ang istasyon.

Lumang Kalendaryo

by Dri Ilustre on March 28, 2013 · 0 comments

 

Sa tuwing pupunitin ko ang luma naming kalendaryo,

–nanghihinayang ako sa papel.

(Oo, –nanghihinayang ako sa papel ng mga araw….)

Nanghihinayang ako sa papel na ginamit

upang gawin lamang lapida ng mga araw na mamamatay rin pala (parang  tayo.)

Nanghihinayang ako–

pero tuloy pa rin ang pagpunit ko (habang sa loob ko ay may napupunit din.)

Mula Enero hanggang Disyembre,

nagbibilang ako,  –naghihintay…

–hinihintay ko yung mga araw na masaya.

Hinihintay ko yung mga sandaling –sasandali.

Minamadali kong matapos yung mga simpleng  araw na walang okasyon

–na walang kaganapan.

Pero sa kahihintay ko,

nakaligtaan ko na magkakasing haba nga lang pala ang mga araw.

(Nagkaekis-ekis na tuloy lahat.)

–Ang dali tuloy lumipas ng isang taon!

May mga bagong lapida nanamang gagawin ang mga araw–

at gagawin para sa mga araw.

–Isang taon nanaman ang bibilangin upang muli kong punitin ang isang lumang kalendaryo. Oo, –isang taon nanaman ng pagpupunit sa mga araw!

 

Modern Manananggal

by Dri Ilustre on March 28, 2013 · 0 comments

 

Iba na ang mga manananggal ngayon–

dahil biktima na ang lumalapit sa kanila (* take note,

may bayad pa! –Sosyal!)

Kung tutuusin, para nga silang mga Hired killer–

Hired killer ng balot (yung nilagang itlog na may kiti na sa loob.)

Wala talagang kahirap-hirap ang pag-tsugi!

–Eh, hindi pa buhay yung pinapatay nila (panu hihirap?)

Iba na nga ang mga manananggal ngayon.

Hindi na rin sila elemento ng supernatural.

Dahil gumagamit  na sila ng

siyensya. Oo, –siyensya ng pagpatay! Moderno

na nga ang mga manananggal ngayon–

dahil hindi na sila yung dating nakakatakot sa mata.

Pero panu kung isang araw sila naman ang takutin? –Panu kaya

kung  isang araw kahit hindi gabe, –bigla nalang silang multuhin

ng mga biktima nilang ni hindi nakalasap ng nitso

at pinagkasya na lamang sa isang garapon ang sementeryo?

Matakot kaya sila? –Matakot kaya sila sa pinag-gagagawa nila?

 

Iba na nga ang mga manananggal ngayon. –Ibang-iba!

(Dahil ngayon, ang natatakot sa ’pinagbubuntis nila– manananggal na rin!)

INTERBENSIYON SA USAPIN NG PAMBANSANG WIKA SA PILIPINAS

(Panayam sa Ateneo University, March 12, 2008)

ni E. San Juan, Jr.

1.         Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan.  Laging matinik ang isyu ng pambansang wika, isang sintomas ng pinaglikom na mga sakit ng body politic. Tila ito isang mitsang magpapasabog sa pinakabuod na mga kontradiksiyong bumubuo sa istruktura ng lipunang siyang nakatanghal na larangan ng digmaan ng mga uri at iba’t ibang sektor.

2.            Lalong masahol siguro kung sabihin kong nasa panig ako ng mga nagsususog sa isang pambansang wikang tinaguriang “Filipino.”  Tiyak na tututol ang mga Sebuano, Ilokano, Ilonggo, mga alagad ng Taglish, o Ingles, o Filipino-Ingles.  Ngunit hindi ito maiiwasan, kaya tuloy na tayong makipagbuno sa usaping ito upang mailinaw ang linya ng paghahati’t paglilinaw, at sa gayo’y makarating sa antas ng pagtutuos.

3.         Saan mang lugar, ang usapin ng pambansang wika ay kumakatawan sa pagtatalo tungkol sa mga mahalagang usapin sa pulitika at ekonomya. Buti naman, hindi pa tayo nagpapatayan sa ngalan ng wika, tulad ng nangyayari sa India at iba pang bansa. Marahil, napapahinahon ang bawat isa kung Ingles, ang wika ng dating kolonisador, ang wika ng globalisasyon ngayon, ang ating gagamitin. Di ko lang tiyak kung maiging magkaunawaan ang lahat sapagkat ang pagsasalin o translation, kalimitan, ang siyang nagbubunga ng karagdagang gulo.  Ngunit ang pagbaling sa Ingles ay pagsuko lamang sa dominasyon ng kapangyarihang global sa ilalim ng kasalukuyang hegemon, ang Estados Unidos. Ang makalulutas ng krisis, sa tingin ko, ay isang pakikisangkot sa nangyayaring labanang pampulitika at pang-ideolohya, laluna ang pakikibaka tungo sa tunay na kasarinlan at demokrasyang popular, sa gitna ng dominasyon ng mga mayayama’t makapangyarihang bansa sa Europa, Norte Amerika, Hapon, at iba pa.

4.            Bagamat mula pa noong panahon ni Quezon hanggang sa ngayon, ang isyu ng “pambansang wika” ay naipaloob na sa Konstitusyon, bumangon ito muli na tila mga kaluluwang uhaw sa dugo. Maireresolba lang ang isyung ito kung may tunay na soberanya na tayo, at namamayani ang kapangyarihan ng nakararami, mga pesante’t manggagawa, at nabuwag na ang poder ng mga may-aring kakutsaba ng imperyalismo. Sa ngayon, walang kalutasan ito, sintomas ng bayang naghihirap, hanggang ang relasyong sosyal ay kontrolado ng naghaharing uri, laluna ng mga komprador at maylupang pabor sa Ingles, wikang may prestihiyo at kinagawiang wika sa pakikipag-ugnay sa kanilang mga patrong Amerikano, Hapon, Intsik at iba pa.

5.         Sa halip na sipatin ang isyung ito sa kinagawiang empirical na lapit, tulad ng ginagamit ng mga postmodernistang iskolar, dapat ipataw ang isang materyalismo- istorikal na pananaw at ang diyalektikong paraan upang makalikha ng praktikang agenda na tutugon sa tanong kung ano ba ang wikang pambansang magsisilbing mabisang sandata sa mapagpalayang pakikipagsapalaran ng sambayanan.

6.         Ang wika ay hindi isang bagay na may sariling halaga kundi bahagi ito ng kategorya ng kamalayang sosyal, isang kamalayang praktika—“practical consciousness,” ayon kay Marx—na gumaganap sa buhay bilang lakas ng produksiyon. Matutukoy lamang ito sa gitna ng isang partikular na mode of production sa isang determinadong pormasyonag sosyal. Hindi ito bukod sa pagtatagisang pang-ideolohiya. Kalahok ito sa pagbubuo ng integral state (konseptong galing kay Gramsci), tambalan ng lipunang sibil at lipunang pampulitika. Ang usapin ng wika ay di maihihiwalay sa yugto ng kasaysayan ng bayan, na laging komplikado at di-pantay ang pagsulong ng iba’t ibang bahagi—uneven and combined development. Samakatwid, sa ating sitwasyon, ang  suliraning pang-wika ay di maihihiwalay sa programa tungo sa tunay na kasarinlan at kasaganaan, mula sa kasalukuyang neocolonial at naghihikahos na bayan.

7.           Sa Pilipinas, ang lagay at papel na ginagampanan ng wika ay maipapaliwanag lamang sa pagsingit nito sa ugnayang panlipunan, sa kontradiksyon ng sumusulong na puwersa ng produksyon at namamayaning balangkas na pumipigil sa pagsulong ng buong lipunan. Ang katayuan ng wika ay nakabatay sa kasaysayan ng bansa, sa kolonyal at neokolonyal na dominasyon ng Kastila, Amerika at Hapon, at sa himagsik ng sambayanan laban sa pang-aapi.  Ang mga katagang “nasyonal-popular” o pambansa-makamasa—na iminungkahi ni Gramsci—ang dapat ilapat sa nakararami na nag-aadhikang makapagpahayag ng kanilang pagkatao sa iba’t ibang paraan, tigib ng kontradiksiyon na bunga ng di-pantay at pinagtambal na pagsulong ng iba’t ibang sangkap ng kabuuang istruktura ng lipunan. Ang wika ay nakalubog sa daloy ng mga kontradiksiyon sa lipunan.

8.             Kailangang idiin ang prinsipyo ng nasyonal-popular, pambansa-makamasa, ang bansa na binubuo’t pinapatnubayan ng masang walang pag-aari—mga manggagawa, magsasaka, at gitnang sangay (mga propesyonal, petiburgesyang uri, mga minorya). Kung hindi, ang bansa ay mabibigyan-kahulugan ng mga naghaharing uri, ang iilan na nag-mamay-ari, ang oligarkong tuta ng imperyalismo, mga ahente ng global finance-capital.

9.         Ang bansang Pilipinas na may kasanrinlan at matipunong industriya ay isang proyektong di pa tapos, nagpapatuloy, laging iniimbento ngunit hindi sa anumang kondisyon. Ang pagiging Filipino ay isang proseso ng dekolonisasyon at demokratisasyong radikal, isang kaganapan na likha ng kolektibong pagpapasya, hindi indibidwal na kagustuhan. Ang proyektong ito ay hinuhubog at niyayari ng maraming lakas, ng minanang ugali at sari-saring idea at institusyon katutubo o hiram.  Hindi ito nakatutok sa pagtatamo ng isang esensiya, kundi makikilatis ito bilang isang masalimuot na pagbubuklod ng dinamikong pakikisamang pampulitika at mga komitment. Ito’y isa ring estetikong kalakaran sa kontra-gahum na paglikhang makasining.

10.      Sa loob lamang ng pangitaing ito, sa proyekto ng pagsisikap makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasyang radikal makatuturang mahihimay ang problema ng pangangailangan ng wikang pambansa, isang wikang mabisang makapag-iisa sa masa at mga komunidad sa teritoryo ng Pilipinas, at makapagdudulot ng mabisang partisipasyon sa pagbuo ng isang gahum o lideratong moral-intelektwal ng masang manggagawa.  Paano mayayari ang mapagpalayang gahum kung walang pagkakaisang kinakatawan ng/kumakatawan sa sariling wika ng komunikasyon at pag-iisip?

11.      Ang layon natin ay hindi lamang kultural na identidad, o kasiyaang pang-kalinangan. Sa gitna ng komodipikasyon ng lahat, sa gitna ng laganap na konsumerismo at paghahari ng halagang-pamalit (exchange-value), ang reipikasyon at alyenasyon ng ugnayan ng mga tao ay siyang nagpapalabo sa usapin ng wika.  Hindi malulutas ang mga tanong tungkol sa wika hanggang hindi nahaharap ang mistipikasyon ng pakikipagkapwa, na ngayo’y natatabingan at nalalambungan ng mga komoditi, bilihin, salapi, na tila siyang umuugit, nagpapagalaw, namamahala’t gumagabay sa lahat ng bagay. Ang mistipikasyong ito ay mawawala lamang kung mapapanaw ang paghahari ng global na kapital, ang patakaran na tubo/yaman muna bago kapakanan ng tao—na, sa ngayon, ay nagsasalita sa Ingles, ang wika ng kongkistador na pumalit sa mga Kastila.

12.      Ang pagbuo’t pagpapayaman ng isang pambansang wika, Filipino, ay hindi nangangahulugan ng pagsasaisantabi o pagbabalewala sa ibang mga wikang ginagamit ng maraming komunidad. Ang pagpapalawig at pagsuporta sa mga wikang ito ay matutupad kung may basehan lamang: ang kasarinlan ng bansa batay sa pagpapalaya sa masa. Sa harap ng higanteng lakas ng kapitalismong global, maisusulong lamang ang proyektong nabanggit ko kung makikibaka tayo sa programa ng pagbabago tungo sa pamamayani, gahum, ng masang gumagawa. Ang wika ay maaaring maging mapagpalayang sandata kung ito’y binubuhay ng masa sa pang-araw-araw na kilos at gawa.

13.      Ang wika ay isang larangan o arena ng tunggalian ng mga uri, ayon kay Mikhail Bakhtin. Naniniwala ako na ang usaping ito, kung ano talaga ang wikang pambansa, ay masasagot lamang sa loob ng proyektong pampulitika, tinimbang at sinipat sa isang materyalistiko-istorikal na pananaw. Ang wika ay praktipang panlipunan, isang produktibong lakas ng sambayanan. Nakapanahon ngang maintindihan natin ito ngayon kung matagumpay na madalumat at mapahalagahann ang kolektibong saloobin ng sambayanan, na ngayon ay naisasatinig sa anagramatikong islogan: ZOBRA NA, TAMA NA, EXIT NA!     Samantala, panahon na ngayon at pagkakataong mapakinggan ang iba pang tinig ng madla rito sa makasaysayang hapong ito, una muna ang kasamang BL.–#

________

TUNGKOL SA AWTOR

Kilalang kritiko, makata at progresibong intelektuwal sa buong daigdig, si E. San Juan, Jr. ay director ng Philippines Cultural Studies Center sa Connecticut, USA  at co-director ng Philippine Forum sa New York City, USA.

Natamo niya ang A.B. sa University of the Philippines at ang A.M. at Ph.D. sa Harvard University. Dating puno ng Departamento ng Comparative American Cultures sa Washington State University, kamakailan siya’y naging Visiting Professor of English and Comparative Literature sa Wesleyan University, Tamkang University (Taiwan), University degli studi di Trento (Italya); at 2003 Fulbright professor of American Studies sa Antwerp at Leuven, Belgium. Nailathala ng University of the Philippines Press ang apat na aklat niya: Carlos Bulosan and the Imagination of the Class Struggle;  Toward a People’s Literature; Writing and National Liberation; at Allegories of Resistance.

 

Ang pinakahuling libro niya ay  Racism and Cultural Studies (Duke University Press), Working through the Contradictions: From Cultural Theory to Critical Practice (Bucknell University Press), Himagsik (De La Salle University Press); In the Wake of Terror: Class, Race, Nation and Ethnicity in the Postmodern World (Lexington Books); US Imperialism and Revolution in the Philippines (Palgrave); Critique and Social Transformation (Edwin Mellen Press); Balikbayang Sinta: An E. San Juan Reader (Ateneo de Manila University Press); &  Critical Interventions: From James Joyce and Henrik Ibsen to C.S. Peirce and Maxine Hong Kingston (Lambert Academic Publishing, Germany).

So, China thought it scored a knockout victory during the recently concluded ASEAN Regional Forum when through its puppet state Cambodia, which happened to be the host country, it intervened successfully and was able to dictate the outcome of the meeting.

For the first time in the history of the ASEAN’s meeting there will be no official communique. China, through its puppet state Cambodia, virtually censored any official discussions that could have been done by the ASEAN member nations concerning the disputed territories in the West Philippine Sea (unpopularly called South China Sea).

China’s intention to devour the entire West Philippine Sea without consideration for exclusive economic zones of other nations should be a cause for concern for all the ASEAN members. The US, India, Australia, South Korea, among other countries, expressed their strong view that it is in ASEAN’s interest to have a common stand against China.

Instead, China’s maneuver succeeded in dividing the ASEAN not so much as making a mockery of it as exposing its breaking point. China’s move, using its puppet state Cambodia, more than made clear the depth it is willing to go down to in pursuit of its plan to devour the West Philippine Sea. Other things were made clear.

That the ASEAN is just another paper tiger. Southeast Asian nations actually involved in the dispute against China, aside from banding together, need to choose more carefully this early where they will rely on for joint security. Among the ASEAN countries which could have the guts and be willing to stand (stronger) against Chinese aggression are the Philippines, Vietnam, Indonesia, Singapore, Brunei, and Thailand. What happened in Cambodia made (more) acceptable, as far as democratic nations throughout the world are concerned, the presence of other powers including the US in the Asia-Pacific.

China’s foreign minister gave an advice to the Philippines: “Not to make trouble.” That statement is so loaded with sarcasm that it cannot help remind us when Nazi Germany was  stating that it’s after peaceful and fair resolution of issues with its small neighbors in relation to its unjust if not downright nonsense territorial claims.

Southeast Asian nations involved in the dispute in West Philippine Sea will eventually form a separate treaty for collective security rather than each single handedly confronting China. The US and other observer-nations are strongly supporting this move. China today is not yet even in the same level of US military might when the latter had an armed conflict with Vietnam nor USSR with Afghanistan. In other words, bullies need to have reality check sometimes.

Pulang Ilaw

by Jared Richard Uy on June 28, 2012 · 3 comments

Inabot ni Joel ang isang libong piso sa babaeng nakapula. Alas diyes ng gabi. Maraming tao sa loob ng gusali. Halos puro lalaki. May tangan-tangang serbesa yung mga matatanda, yung mga medyo bata naman, panay ang text sa kanilang cell phone. Ang lahat ay naghihintay ng numero. Pero si Joel, dumeretso na kaagad. Parang isang tuod na hindi alam ang dahilan kung paano siya napunta sa gusaling iyon.

‘No. 51’. Ito ang nakasulat sa parihabang hawakan ng susi na ibinigay ng babaeng nakapula kay Joel kasama ang tuwalya at isang manipis na puting sabon. Umakyat ang mapusok na binatang ito sa ikatlong palapag at doon niya nakita ang maliit na kwartong kanyang hinahanap.

Kinuha ng isang janitor ang hawakan ng susi at hinayaan siyang pumasok. Namasid ni Joel ang isang banyo sa kanyang harapan. Isang sabitan ng damit sa kanyang bandang kaliwa, at isang mahabang kama sa kanyang kanan. Ibinaba niya ang tuwalya at nagsimula na siyang pumasok sa loob ng banyo upang maligo.

Malamig ang tubig. Tinapat niya ang kanyang ulunan at hinayaang bumuhos ang lakas ng buhos ng shower sa kanyang mukha. Nang matapos siyang maligo, ang tanging ipinambalot lang niya sa kanyang sarili ay tuwalyang dala-dala niya.
Humiga siya sa kama. Tumagilid. Dumapa. Tumayo at isinuot muli ang tsinelas. Kinandado niya ang pintuan at humiga muli. Napansin niyang kulay pula ang lahat ng ilaw sa paligid.

Tinitigan niya mabuti ang pulang ilaw.

Naisip niya bigla ang kasintahan niyang si Rachel. Naalala niya ang mga panahong madalas sila pumunta sa isang bar na panay pula rin ang ilaw. Naalala rin niya na ito ang paboritong kulay ng naaalalang girlfriend.

Grade six pa lang si Joel at Rachel ay panay na ang tuksuhan sa kanilang dalawa sa loob ng klase. Gusto na nila ang bawat isa pero masyadong torpe itong si Joel. Hindi niya liligawan si Rachel kung hindi niya nalaman na tumatanggap na pala ito ng mga ibang manliligaw. Kaya noong oras ding iyon, nagtapat siya ng pag-ibig. Nalaman niyang hinihintay na rin ni Rachel ang sandaling iyon. Naging mag childhood sweethearts silang dalawa hanggang sa makatapos sa kolehiyo. Ang iniisip ng lahat, sila na ang magkakatuluyan.

Pagkatapos ng dalawang taon, lumuwas sa Maynila si Rachel para magtrabaho. Hindi matanggap ni Joel na magkakalayo na silang dalawa. Pilit siyang niyayaya ni Rachel na magtrabaho na lang din sa Maynila pero hindi niya maiwan ang kanyang pamilya.

Ilang palitan ng sulat ang lumipas.
Natigil ito at hindi na alam ni Joel kung ano na ang nangyari kay Rachel. Ang kwento ng iba, nabuntis daw ito ng manlolokong katrabaho sa Maynila. Ang kwento naman ng iba, nag abroad na daw. Nawalan ng pag-asa si Joel at hinayaan na lamang niya ang kaisipang talagang kinalimutan na siya ng sinisinta niyang babae.

Pinatay ni Joel ang pulang ilaw dahil sa sobrang kalungkutang nararamdaman niya nang makita ito.

Dumilim.

Tok, tok.

‘Sir?’

Tumayo si Joel at dahan-dahang binuksan ang kandado ng pintuan.

Sa kanyang pagbukas, nakita niya ang masahistang hinihintay niya.
Kahit nakapatay na ang pulang ilaw, nakita niya muli ito.
Pagkatapos ng ilang taon.

Ako ang dakilang tagapagmasid

Sumusubaybay sa pagsibol

Ng pawis sa iyong braso, konsesnya sa iyong ulo,

Barya sa inyong bulsa, dahil nililimos ang kita.

 

Isipin niyong ang ulap ang aking mga mata

At dit ang simula ng pagmamasid

At ang ulan ang aking mga luha

Tuwing ang inyong pagdarahop ay aking nababatid

 

(Ganito, ganito ang lahat ng pakikiramay.

Hindi ko alam ang pakiramdam ng makasuhan,

Kumain ng panis na isda, iwan ng mahal, pero

Sasamahan, sasamahan.)

 

Sa akin ang kulog

Sa akin ang kidlat

 

Ang kulog ay para ipaalala na may likas na liwanag kahit tagdilim

O kung abo ang lahat: ang ulap, ang langit, ang pananaw

Wag masindak: alalahanin ang bukang-liwayway, ang dapit-hapon,

Ang pagpapalit ng panahon.

 

Ang kidlat ay paalala na ‘wag tutulala

Hinahakbang, tinatalunton, ginagapang ang lahat papuntang katapusan

Tandaan ang garalgal na tunog

Hindi isang kumikinang na opera o konsyerto ang buhay

 

Isiping ang hangin ang aking kamay

Dumadampi upang ipaalala ito – ito ang meron tayo: buhay.

At iyong mga takot, iyong mga mapanglaw, iyong nagluluksa nang lubusan kahit tapos na ang ulan –

Sila ang nararatay.

 

 

 

 

 

Naisaimortal na ang dalawampung senador sa payak na pagboto na nagkasala si (dating) punong mahistrado Renato Corona sa isinagawang impeachment trial. Maihahanay ang yugto na ito ng kasaysayan ng bansang Pilipinas [click to continue…]

“Vote for Jessica”

May 27, 2012

 

Waring makapanindig-balahibo sa Pinoysphere o kolektibong psyche ng mga Filipino saanman ang pagkakaabot ni Jessica Sanchez sa “top two” ng programang pangtelebisyon na American …

Read the full article →

Manuel L. Quezon High School Batch ’82

May 6, 2012

 

 

Tayming sa pag-uwi ko sa 2012 ang pagkakatakda sa Abril 14 ng Asosasyon ng Batch 82 ng Manuel Luis Quezon High School (MLQHS) …

Read the full article →

Conflict in the Spratleys

April 26, 2012

Involvement in a major armed conflict might cause China to lose Taiwan permanently

 

Let’s face it. The differences between China and Taiwan are not …

Read the full article →

Muy Bien (Pagpuputong Kay Bienvenido L. Lumbera ng Lawrel)

April 19, 2012

Muy Bien… Paglipas na Putungan ni Balagtas Inulit kay Bien Lumbera

Apat na panauhin sa katauhan ng mga haligi ng Concern Artists of the Philippines …

Read the full article →