Kitikiti ay di mapakali.
Gamugamo ay panay ang amo
Sa munting tinghoy na naglilihi.
Napaglihia’y siya. E, ano?
—
Siya dati ang lalapit-lapit,
Ngayon liyab ang nais dumikit
Sa gamugamo na walang kulay,
Walang magawa at walang bahay.
—
Kitikiti ay di mapakali.
Alitaptap ay may hinahanap,
Sa dilim man siya nakasadlak
Liwanag n’ya’y may sariling sindi.
—
At tanglaw niya ay isasalo
Sa kadawagan na walang dulo
Ngunit nasapawan ng...
More »
Featured Posts
Category restricted to Administrator
Di Mapakali ang Kitikiti
Nang Umulan Sa Aking Dapithapon
Ulan kang malabo buhat himpapawid
Na umaampiyas sa limang kong isip,
Agad na naligo’t ginawa kang batis;
Nagtampisaw akong lihim at tahimik.
Giniginaw ako sa lamig mong handog,
Pigil ang hininga tuwing naghahamog
Ang buong paligid sa nakaw na sulok—
Gaano mang tagal sa pagkakabantod.
Kamalian ko bang niyakap ang patak
At ipinidestal sa lumikong landas?
Sabihin ang lahat huwag kang umiyak
Ako’y nakalaang kahit...
More »
Fears Under a Moonless Night
Walk this unlit road
where stars blink
at your fears
to catch
every shift of shadows,
every whisper, quiver,
and process them
like lab specimen in your brain,
yourself wary of its results.
A vision breaks out:
the next day’s headlines,
its images-
a body
with blade-opened neck,
lit by the new day
but the lamp posts lighting up
appear like lab results,
all reporting negative.
More »
hi tech na daw…
sabi nila ang OFW daw noon
sulat daw dito,sulat daw duon
at kay mamang kartero pa nakasalalay
ang sulat kamay na sa pamilya inalay
si mamag kartero pag minsan tinamad
sulat mo’y baka abutin ng siyam-siyam
kawawang pamilya inip na sa paghihintay
kay mamang karterong sa kanto nakatambay.
Sabi nila swerte daw tayong OFW sa ngayon
dahil hi-tech na daw tayo sa ngayon
ilang...
More »
Epilogue
She will let him go like a book,
whose cover once attracted her,
its pages once held down her gaze.
She had moved on past his breath,
their time together flipping over
like scanned pages towards the end.
With her reading done
and his laughter consumed,
she will miss nights
when he lay on her breasts,
exhausted,
under a lamp’s glow,
she,
always taking note of what’s...
More »
Dalawang Soneto Sa Mga Pastol Ng Tula
Soneto I
Bato-bato po sa langit
Ang tamaa’y h’wag magalit.
Kung kaya ikaw’y makinig
At tunghayan itong awit.
Isang araw ay nagpunta
Ka sa isang klinika
At nagbukas ng pahina,
Walang nakita ang mata
Kundi ang akda ng diyos.
Ang dudulas ng taludtod,
Yaong tugma’y maindayog;
At ang sukat ay di kapos.
Tiningala mo ba’ng diyos
O nais ring maging hambog?
Soneto II
Kumpulang nagtipon ang pastol ng diyos,
Ang kunwaring...
More »
Hindi ako marunong sumulat at bumasa ng tula
kaninang umaga sa hapag kainan
kaharap ang kapeng
sinisimulang tikman
paggawa ng tula
naging paksa ng usapan.
habang tinitigan kapeng lumalamig
aking ina’y biglang tumindig
kinuha ang kuwadernong
lagi kong kapit-kapit
samut-saring akda ang nakaipit.
“Nabasa ko kanina
mga ginawa mong tula”
ako ay napatingin at saka nabigla
nabasa pala niya aking mga katha.
papuri mula sa kanya’y aking inasam
tulad ng ginagawa ng ibang magulang
ngunit sa kanyang labi...
More »
From a lost child
I went… Seeking a world for myself.
A world that’s more than a place.
Somewhere to fit in…somewhere-
Where I belong.
I explored… A long journey.
A long walk. A narrow path.
No one by my side.
Nobody… no guide.
Nothing… not even a light
I’m lost… Then I stopped.
I glanced up the sky.
The sky so lonely as I.
Never bluer and more cruel
Unlike...
More »
To a Mormon missionary 2
It has been almost a year now since you left
But the empty garden chair where you had sat
Still ruminates the memories
Of our talk about God and His glory.
Tonight, as I sit, drinking from a cup
Of cold coffee, the damp of November
Must have caused the sky
To hide itself under thick,
Velvety covers of black blankets
where hang...
More »
Sa Mga Gabing Tulad Nito
Gising na naman ang gabi.
Hindi patutulugin ang antok na kaluluwa
Na walang magawa kundi makipaglaro
Sa mga alon na iginuhit ng balintataw.
Makikipagtitigan na naman sa mahikang tagibulag.
Dalhin ang isip sa ibayong lupain upang doon
Pansamantalang tumalampak at iwasan
Ang tagistis na laging kapiling sa madilim
Na silid na ito.
Nakakasawa na ang ganitong pag-iisa.
Bagama’t mapagmahal ako sa katahimikan
Ngunit hindi ang...
More »
