Buhay Noon at Ngayon

BUHAY NOON AT NGAYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Noon, gumigising ang tao
pag tandang na ay tumilaok
Ngayon, gumigising ang tao
pag umalarma na ang cellphone

Noon, may sinangag at tuyo
sabay kumain ang pamilya
Ngayon, mag-Jollibee o McDo
kumain ka kahit mag-isa

Noon, lumabas ka ng bahay
langhap mo ang hanging sariwa
Ngayon, pag-alis mo ng bahay
sa usok na’y natutulala

Noon, kapag madaling araw
kay-aga ng taong gumising
Ngayon, sumikat na ang araw
tanghali na’y himbing na himbing

Buhay nga noon ay simple lang
ngunit tao’y pawang masaya
Kahit buhay noo’y mabagal
ngunit nakakaraos sila

Buhay ngayon ay mabilisan
walang pakialaman sila
Pag di sumabay maiiwan
sa bilis ng teknolohiya

Latest posts by Gregorio V. Bituin Jr.

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.

Comments

  1. noon akoy bata pa akoy masaya
    ngayon akoy matanda na masaya pa rin
    ang kahapon ay pinupuri
    ang ngayon ay hindi ko sinisisi
    dahil kayo ay kasama ko pa.

  2. avatar Yhanyhan Dewyze Bondoc says:

    hello po.. gagamitin ko po itomsa thesis namin.nagustuhan ko po ,, salamat po 🙂

  3. avatar Ivy Gabonada Sanchez says:

    Ang ganda nice:))

  4. haha astig

  5. ok sya magamit ko sa takdang aralin ko

  6. ,. maganda cya ,. sana mag assingmae kami ,. kasa actaivity lang by group pa ,. pero gamit ko naman kasi ako ang leader ., hehehehe

  7. wet

Speak Your Mind