kay rangya ng bihis
kotse ay “BMW at Mercedes”
sa banyo ay marmol na banyera
……….
biglang natapos ang panaginip
nang bumagsak na losang plato
sa banggerahan
ay narinig !
sa ilusyon ay ganyan din
nang sawaan
sa pantasya ng ginto at pilak
ay balik sa dati
salawal
at
“t-shirt”
tulak-tulak
ang kariton !
03 October 2011
Segunda-feira
- Aking Mahal... - March 8, 2013
- Sa Pag-iisa - 2 - January 17, 2013
- Bakit Kita Mahal - January 3, 2013
- Kapaguran - 2 - October 1, 2012
- Sa Isip Lang - September 25, 2012

{ 3 comments… read them below or add one }
ano po ang ibig sabihin ng buhay alamang.
waw !
sori…ngayon lang !
buhay alamang? –> panandalian o pansamantala
o madaling lumipas tulad ng bood ng aking tula.
…maraming salamat Jasper.
Kuya Noel
oh kay sarap magpantasya ng gising
kung saan saan ako’y nakarating
ngunit hindi umaalis sa kisami nakatingin
sa aking panaginip ako’y isang hari
kaligayahan ko’y natapos sa paggising
ako’y nangangarap na balang araw
makaahon ako sa hirap at pagdarahop
ako’y mag ipon ng sapat di man yumaman
basta ako’y hindi magdarahop maghihirap
You must log in to post a comment.