Biso*
Ay, biso* ang batang may hawak na biwas,
Aayaw kumibit ayunging malapad;
Mabuti pang ikaw’y kumuha ng salap
Magtiis pag-alig sa dulong at yapyap.
Ay, biso ang batang may tangang tirador,
Hindi matamaan ang malaking ibon;
Mabuti pa yata’y kumuha’ng asarol
At iyong bagbagin ugat ng balinghoy.
Ay, biso ang batang magpalmo sa holen,
Aayaw bumaldig ang tirada’y paling;
Mainam pa yata ikaw ay kumain
Upang iyang gutom iyong sansalain.
Ay! Ay! Batang biso di magtatagumpay,
Kapag kumakalam tiya’y walang laman.
*malas, walang suwerte
Latest posts by Raul Funilas- Saksi Ang Buwan - 9th February 2010
- Dayaw Ng Ibon Sa Pugad - 4th February 2010
- Sa Balag Ng Kababalaghan - 3rd February 2010
- Tubig at Pag-ibig - 26th January 2010
- Paninimbang - 25th January 2010


Tata Raul,
Salamat sa tula. Sa amin po sa Pampanga kapag inulit ang salitang Biso (biso-biso) ay padalus-dalos at kadalasan ay laging napapasok sa alanganin o kamalasan. Disgrasya ang inaabot dahil sa hindi kalkuladong mga kilos at pasya.
Bago sa akin ang salitang ito. Salamat at may bagong natutuhan.