Pagsuyo sa Yungib

Habang ang isip ligálig,
tila baga nadadaig
ng ingay nitong daigdig
ang tinig sa iyong dibdib.

Muli ang lumang titig
hanap, pagsuyo sa yungib
gamit ang pusong may langib
at sariling pagkabilib.

Anak, kelan makikinig
at babalik sa’king bisig?
Talikdan mo ang kuliglig
damhin tapat kong pag-ibig.

despair-1

Latest posts by Franco Coralde Sangreo

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Franco Coralde Sangreo

May natatanging asawa at tatlong anak; Full Blooded Albayano at sa Baybay, Tiwi, Albay nagbinatilyo. Ngayon ay nagtatrabaho sa isang imprenta bilang Graphic Artist(ahin) at Prepress Supervisor.

Sa dyip ako mas madalas na sumulat at libangan kong bihisan ng tula ang mga larawang kuha.

Speak Your Mind