Bakit Kita Mahal

ay bahagi ng buhay
tulad ng katotohanan at kasinungalingan
ng ligaya sa tuwa at luha sa kalungkutan
nang tingin sa kawalan sa lakbay-diwa
ng isipang pinanawan ng aliw

Naroong masarap lingunin ang tamis ng nakaraan
hinihila ang mga labi sa pagngiti
o bumalong ang mga butil ng tubig
sa pisnging inaagusan kung manumbalik sa alaala
ang tusok sa puso at dagan sa dibdib

Hindi maiiwasang lingunin ang kahapon
ayaw mo man
sa iyong kalumbaba
sa iyong paghiga at pagpikit
sa mga buntunghininga
ang mga alaala ay sumisingit

Ang ligaya ng saya
buntunghininga ng kalungkutan
ang katotohang hindi maikakaila
nitong pusong pumipintig
ay nangungusap
kung bakit kita minahal

Luanda, Angola
03-Jan-13

Latest posts by Noel Reyes

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Noel Reyes

I`m Noel Lalic Reyes.
I`m from Sapang, Jaen, Nueva Ecija.
Roman and Teodora - my parents.
Jeffrey Anthony, Jefferson, Jacob, Josua, Joy - sons & daughter.
To them I dedicate my poems. I love them more than anyone now.

Since 1991, working here in Luanda City, Angola (West Africa) as a
Property and Supply Custodian, Aircraft Spare Parts & Equipments in an
Airline Company.
I like hard work and I don`t care how long my hours are.
I`m in the Philippines twice a year, April and October to spend my holiday.

Comments

  1. ang lalim ka noel…ganyan ang pag-ibig…ang pinaka magagandang bagay kadalasang naroon sa kalaliman…salamat sa pagbabahagi!

    Ang lalim ng pagmamahal
    ang sukat at punot’ dulo
    hindi mapigilang bukal
    ay pintig sa pusong basal.

  2. -
    nangingiti ang labi tuwing aplawsuhan ang aking obra
    nagagandahan gayung hindi ako nakita o tinaglay ang nadama
    sa panahong sumasalakay ang iniluluha ng mga mata.

    dinggin ang katotohanan
    hindi kasinungalingan
    kahit ano ang tinaglay
    naroon ang pagmamahal

    maraming salamat igang Franco.

Speak Your Mind