Bagong Taon

Bagong Taon ay darating at ito’y di mapipigil,

Pamuli’t muling sisilip ang datihang takipsilim

Na sa ati’y nakatingin upang sa muling paggising

Ay tumula nang tumula ang laging aatupagin.

 

Ngunit sandaling iwasan ang manaludtod ng tula,

Tayo’y humiling sa Ama na bigyan tayo’ng biyaya

Sa maghapon at sa magdamag nating ginawa sa lupa

At  yakaping taus-puso, Siyang sa ati’y lumikha.

 

Kalimutan ang alita’t palitan ng pagmamahal,

Isadiwa’t isapuso ang gintong lantay at bukal—

Pag-ibig sa bawat isa upang ang kasaganahan

Ay lumambayog na isang buntalang napakalinaw.

 

 

Latest posts by Raul Funilas

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Raul Funilas

Si Raul Funilas ang may akda ng aklat "HALUGAYGAY SA DALAMPASIGAN." Pinasinayaan noong buwan ng Abril, 2008 ang kaniyang "Eskultula ni Tata" Art Gallery, kung saan itinatampok ang kaniyang mga piling eskultura na nilalakipan ng tula. Siya ay isinilang sa Isla Talim, Binangonan Rizal. Unang nakilala bilang eskultor bago naging makata. Tinagurian siyang 'Makata ng Tubig". Nagtamo ng parangal sa Gawad Ka Amado para sa Tula at kuwento; Talalang Ginto, Gawad Collates para sa Tula at Natatanging Mamamayan ng Binangonan para sa Literatura at Eskultura. Nagwagi ng unang karangalan sa "Kabuwanan sa Expo Cubao, 2008" performance poetry competition, Pumangalawa sa "UP Likhaan" 2008 (tula). Kasapi sa Bigkis Sining Binangonan; Neo Angono Artists Collective; KAMAKATAHAN poets, Pinoy Poets, Timog Poetry Collective, Bandolero Band at higit sa lahat, Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA)

Kasalukuyan niyang nilililok ang 9ft. na rebulto ni Pres. Ramon Magsaysay sa ginagawang Makabagong Hardin ng UERMMemorial Medical Center, Inc., sa Aurora Blvd. QC na ikinomisyon sa kaniya ng mga Board of Directors ng UERMMMCI.

Comments

  1. maraming salamat tata. md
    maligayang pasko at manigong bagong taon.
    sana ay magkatotoo.

  2. ako’y nangangarap ng isang magandang bukas
    kung saan ako’y lilipad sa alapaap
    sa bawat pagsubok ay magiging matibay
    may ngiti ang kahapong sa aki;y nakahimlay
    sana sa bagong taong sasapit
    pangarap ay mahagkan ng walang pilit

    ehem…idol talaga kita TaTa ^,^

    salamat sa tula

  3. avatar Wella Ashly Leonor says:

    !

  4. avatar Angeleen Jane A. Rebolledo says:

    bagong taon bagong buhay sa bawat bagong araw?

Speak Your Mind