avatar

About shayra

shayra, a name that represent a girl who started as reading only small pocket books. who is fascinated on how writers translate emotion into words and how can words capture one mindset. shayra is a girl who learned to love poems, books and story of other person and now a lady who is trying to tell her story and poems to other readers.

pebrero 2010

tuluyan na bang nakalaya

umahon mula sa kailaliman ng lungkot

tiyak na ba ang paghakbang

ngayon ba ay di na papipigil pa

isang taon at limang buwan

simula ng isa-isang pumatak ang luha ko

sa boong panahon umagos ito

naglawa at lumunod sa aking puso

isang taon at limang buwan

isa-isang binalikan lahat ang bakas ng lumipas

ang halos sampung taon ng buhay natin

ang mga ngiti, luha, at takot na magkasama

isang taon at limang buwan

ito lang ba ang katumbas ng lahat

upang ang pangakong itinatangi ay limutin

ito lang ba ang halaga ko, natin?

isang taon at limang buwan

sa wakas,

nagawa kong humindi sa iyo

may kurot ng lungkot

ngunit nagawa ko

at ngayon ay may ngiti

tiyak ko, sa susunod na pebrero

hindi na ikaw ang paksa

hindi na tayo

sakit ng katawan

ang pagal na katawan ay di na dumadaing

sa kapaguran ng isip ay tila wala ng malay pa

nanghahapding mga mata

sa temperaturang patuloy sa pagtaas

 

sa dami ng agiw ng isipan

ay hika ang inabot

ang tila kumukulong putik ng loob

ay parang bulkang isinabog ko

 

oo, isnigaw ko ang baho ng pagkatao

ang kanilang basura ay aking isinabog

talim ng aking salita ay ipinamalas

ngunit nakalimot, ako’y mahina

 

sa banig nakaratay ngayon

dahil ang puso ay di sing tatag ng isipan

laman ko’y sumuko

di kinaya ang buhawi ng imosyon

 

walang ibang inabot kundi sakit ng katawan

naghihintay na ako heart

heart, anu kaya at magmadre na lang ako

itago ang sarili sa likod ng pinto

maging masaya kaya ako duon

sa tingin mo kakayanin  ko

ngunit pangarap kong magkaroon ng pamilya

gusto kong  maranasan magasawa

at  lumikha ng makukulit na munting ako

tingin mo heart kaya mo pang ibigay sa akin

ngunit ang bilis mong umayaw heart

nang minsang mawasak ay di na nabuo pang muli

hindi ka na sumubok ng isa pa

di ka man lang lumaban

heart kay tagal na hindi ka pa ba handa

sana di na  abutin pa ng walang hanggan

na ikaw ay mag balik at mabuhay muli

kailan ka pa uli magmamahal

naghihintay na ako heart

bandage

for a moment i thought  i forget

the ugly white cast in my hand

and yet my moment is too short

a throbbing pain wakes me

under the cast  is a wound

a cut so deep goes through my bones

i  fear to die at that moment

and yet, i  wish i could

a mistake that almost separates my parts

with a blink my picture  changed

for how long i don’t know

as of  now my wound is safe

in this bandage

i lost

now realized that i lost

because i didn’t fight back

i believe in a lie

and i never give you my trust

 

it’s so sad

knowing finally

that i never give my heart away

and blame you for its pain

 

i lost

ang lungkot pag nagiisa

sa lamlam ng kanyang mga mata

nakatitig sa harap ng kawalan

ang lamig ng nyebe ay yumayakap

sumusuot sa buto, nakakapagpalamig ng puso

ang tanging pampainit ay alak

naluluha ng walang dahilan

at mamaya pa mangangarap na

tutungo sa lugar kung nasaan ang mahal

sa lugar  ng  ngiti at ligaya

kung saan kaylan man ay di lalamig

sa aking kabataan, sa piling ng mahal ko

sa yakap ng aking mga magulang

tatanawin ko na lamang ang buhay na iniwan ko

ang pangakong iniwan at isinara

at pipilitin hanapin ang sagot sa lupang ito

kung paano lalabanan ang lungkot

ang lungkot pag nagiisa

binibini, kay swerte mo

sa iyong kislap sya’y tuluyang nasilaw

mga matang nilikha upang makakita

ngayun ay ikaw na lamang ang sinasamba

at sa tingin koy magtatagal pa,

hangang sa magpakaylan man

 

ang halina mo’y walang sing tamis at linamnam

sa bawat galaw gusto’y laging tumabi sa iyo

ang bawat halakhak at wika ay musikang di malimutan

sa bawat pagtulog itinatabi ka sa kanyang isipan

at sa paggising hahalikan ka sa hangin

 

binibini, sa iyo puso’y tuluyan ng naikulong

magmahal ka man ng iba sa iyo’y mahihintay parin

kung ito’y umabot man hangang sa pagputi ng buhok

ang ala-ala mo at ng kanyang pagsinta’y di magmamaliw

sapagkat ikaw lamang, ang nag iisa para sa kanya

 

binibini, kay swerte mo

why my answer to how

why is it hard for you to tell truth

why it’s always a puzzle or a guessing game

why can’t you just share your part on me

why pretend if you know it will hurt

 

why can’t you consider me as yours

why not trust me and let things be

why blame the situation on your own doing

why don’t be a man and face your fear, i’m here

 

why let go if you would still hold on

why walk out when were already halfway

why not stay and hold my hands

why say goodbye if you can say sorry

 

why my answer to how

isang kilong bigas

ayan na sya at ginawa ng pinal

una’y ugong lamang ang naririnig ko

ngunit ngayo’y sigurado na

kakandidato sya para sa kongreso

 

di ko malaman kung ako’y matatawa

sa kakapalan o di lang marunong makontento

mga kababayan ating bansa’y lubog na

kapag nagpabayad pa kayo sa halalan matutuluyan tayo

 

bawat isa’y makasarili

walang magbibigay kung walang kapalit

ang kalakalan na noon ay patago lamang

ngayo’y lantarang isasampal sa iyong mukha

 

tao ang may problema hindi ang sistema

ngunit mas makakabuti kung may mamumunong matino

halalan ay nalalapit na

at marami ng nagpaunang magbuwis ng buhay

 

wag nating sayangin para sa isang kilong bigas lamang

i cannot empty my heart

we are hundred miles away

but when i look out the window i still see you

i’m aware that you no longer belong to me

but i still save the other side of the bed for you

 

i still want to dream on you

just to finally see your last smile

but then i will indulge my self for more

because i can’t stop wanting you

 

god always has a present for us

i just have to be in the right time and place to accept it

but how hard it is for me to take it

i cannot let go any of the things i’m holding on

 

i cannot empty my heart

nakakapanlumo

kumukutitap na tila serena ng pulis ang tumawag sa aking pansin

ng mabasa ang balitang kinasasangkutan ng aking bansa

patong patong na bangkay, ina, ama, anak at pati buntis

kagimbal gimbal na itinambak sa isang hukay

 

politikang kay dumi ang siyang tinuturong dahilan

dosedosenang armado ang walang konsensyang gumawa

isang makapangyarihang  pulitiko ang nagutos

halos kwarentang tao ang siyang nagdusa, nakakapanglambot

 

gitla ang bumalot sa akin, napatitig at di nakahinga

tila isang sigarilyo lamang ang halaga ng isang buhay

upang kumitil ng apat napung katao para sa isang tao lamang

maaring isang ama, isang ina, o anak ang nagbayad ng buhay

 

pilipinas, kahiya hiya ka

hindi pa man gumuguho ang mundo ngunit tila katapusan mo na

saan na lang pupulutin ang mga susunod na henerasyon

kung di kapa babangon sa maduming putikan

 

nakakapanlumo

maligayang isang taong anibersayo

12 buwan
365 araw
8772 oras
526320 minuto

mahal kong ina
labis na akong nalulungkot
walang gabi di ka naiisip
pakiramdam ko’y nasa bahay ka lamang

isang taon na ang lumipas
simula ng lumipad ako paalis
isang taon simula ng magpaalam
at ng araw na yun, tuluyan ka ng nagpaalam

hangang ngayon tinatawag kapa
kapag may kabag
at gustong magpahilot ng tyan
mama parin ang bukang bibig

kapag pagod na sa kakakayod
walang mapagbalingan ng pagod
gustong idial ang numiro mo
ngunit di mo sasagutin pang muli

minsan gusto kita ibili ng sapatos
alam kong matutuwa ka sa kulay ng damit
magugustuhan ang mga baso at pingan
pero di mo na magagamit pa

ma, miss na kita
alam mo kaya na mahal kita
di man lang ako nagkapagpasalamat
sana masaya kana nasaan ka man

maligayang isang taong anibersayo

sa huli

matagal ng iniwan

pilit na nililimot

humahakbang palayo rito

ngunit nililingon padin

 

napapabutun hininga na lamang

sa mga ngiti ng kahapon

 sa wasak na larawan,

pinagduduktong duktong sa alaala

 

ang kahapon ay naisulat na

ang ngayon ay maingat kong iginuguhit

ngunit ang mamaya ay di ko na alam ang kasunod

sa tingin mo? tayo parin kaya?

 

sa huli?

mars and venus

how frustrated i am

to be in this place, god knows where?

what does that look mean?

oh, i hate body language!

i  feel uneasy

to hold my self and sit still

i must say it, i have the courage!

but its a shame to go against nature

why can’t you  go to the point

i don’t need some cheesy baby talk

why can’t i skip this agony of  long quiz

i hate the fill in the blank the most

i am tired the whole day

running across your puzzle

can’t you just help me here

and show me your final clue

i miss you already

and i do not play games

i’m never good at pretending

and i don’t study law either

so please, stop the so-called rules