avatar

About Rod Escobin - LBNHS

Rod is currently a public high school teacher coming from his former job as Clerk at Dep.Ed. Central Office, Meralco Avenue, Ultra, Pasig City. He somehow like to write thoughts that cascades in his mind. He first started blogging poems at www.Myspace.com, pen named Greenfullmoon. He had 3,044 blog views as of 2-8-2010. Right here he wants to be known by his real name, Rodrigo Pantua Escobin. Display name: Rod Escobin - LBNHS. A native of Mayondon, Los Baños, Laguna. Youngest of 8 surviving siblings. His parents are Rectorino R. Escobin Sr. (RIP) from Los Baños and Estela Pantua Escobin (RIP) who hails from Pila, Laguna. Youngest brother of Reynaldo, Estelita, Esmeralda, Ramiro, Eduarda (RIP), Romulo, Rectorino Jr(RIP)., and Ricardo. He was born on June 30, 1967 at Los Baños, Laguna. He obtained his B.S. Commerce degree major in Management at the Colegio de San Juan de Letran, Calamba, (now city) Laguna in 1987. Still single but looking and a relentless lover. A cancerian. He would like to post Tagalog (Filipino) poems, and also English but in a Filipino cultured writings. He is grateful for being a member of emanilapoetry, extending his warmest thanks to the Publisher and staff of this website. He joined emanilapoetry on May of 2008. His first poem posted was about a famous Filipino boxer in that era. He once made it to the top ten, 6th placer for posting the most number of poems with co-emanila poets, last count has 212 poems posted. You can see his videos at Youtube.com, Kamakataan account, reciting few poems with fellow poets. Keeping the ember of poetry alive, this he cries: "Mga Makata, magsama-sama ng buong TUWA! Namnamin, Tamasahin ang TULA !!"

********
Diary Corner:
**********
Jan-09-2010
Kasalukuyang siyang nakikipagbuno sa mga M.A. yunits na kinukuha sa L.S.P.U.-LBC
**********
April 4, 2013
Maluwalhati siyang nakapagtapos ng MAED, Master of Arts in Education, major in Educational Management sa Laguna State Polytechnic University - Los Baños Campus, Ika-dalawa (2) ng Abril, 2013 sa Taon ng ating Panginoon.
***************************
January 1, 2013 - Bagong Taon
Nais kong palakasin pa ang aking pananalig sa Panginoong Diyos upang magkaroon ng kapayapaan at katiwasayan sa sarili. Iniaasa ang kapalaran sa Dakilang Lumikha na may kasamang gawa. Ayon sa kasabihan "God helps those who help themselves"
Manigong Bagong Taon.
++++++++++++++++++++++++
Ang Panginoong Diyos ang Pag-Asa ng lahat ng sa atin ay pag-asa. Hope of all Hope, God Almighty
++++++++++++++++++++++++
3-28-15
Ang Panginoong Diyos ang Siyang Marunong sa lahat

Diborsiyo

Pagod na pagod ako nang kumalas
_Tila lumaya na isang bilanggo
Sa masamyong hangin, panahon ng tag-lagas
_Nabunot ang relasyong sa aki’y gumugupo

TO THE DEAF

Although they could not hear
My heart to them is very near
They could not hear any curses
That, to them is their advantage
Lots of hope is there for the deaf
Many endeavors are there and left
Talents are there, clear and seen
As an example, Ms. Marlee Matlin

7-26-15

Birtud na Kasipagan

“Basta’t masipag ka,
Yayaman ka,”

5-12-15
7:50 n.g.

Magsisi

Magsisi ng mga kasalanan. Ito para sa akin
ang pinakamahalaga kung dumarating ang Mahal
na Araw. Hindi Kailangang magpenitensiya,
( o kailangan nga ba? ) mahirap din kaya yung nag-
hihirap na puso, isipan at kaluluwa, imbes na katawan.

Magsama-sama sa pagdarasal
Mula sa puso na dalanginan
Nababanaag din sa pang araw-araw na buhay
Hindi masasayang ang KANYANG sakripisyo

Amen

DWANE

D W A N E

D eaf ears
W ill not
A bate and
N ullify the
E choes of my heart

and so . . . . .

D on’t you
W ant me to
A ccompany you in a
N ice, cozy place so I may
E xpress my sincerest and purest intentions?

D avid’s Tea (at Cal.) is
W here I
A ctually pick to
N estle in
E very instance that I like to unwind

I hope you like this idea.
Magtiwala ka sana.

March 18, 2015

Araw ng mga Puso bukas

Ang puso
ay simbulo ng pagmamahalan
Lalo na sa magsing-irog at magkakatipan
Makikita sila sa mga pasyalan
Nagkukwentuhan, nag-aakbayan at nagyayakapan
Na kay-tamis pulot-pukyutan

Maging sa mga kabataan ito’y pinagdiriwang
Gayak rin sa lakwatsahan, sa mga mall at plaza
Sama-Sama, grupu-grupo, mga barkadahan
At ang iba’y ka-date ang kanilang mga magulang

Panibagong hamon

Papakabila na naman tayo ng Taon
Ano nga ba ang mga nangyaring naaayon?
Sa buhay na di naman sa atin
Tandaang ito’y pahiram lamang sa atin

Patuloy ang ragasa ng alon sa pampang
Salamat sa patuloy na pagsilay ng araw
Tayo’y humihinga pa ng hangin
Hanging malinis na kung tawagi’y oxygen

Alagaan ang ating kalusugan
Mag-ingat sa ating kinakain
Gulay at prutas nagbibigay lakas
Ehersisyo ay gamot dulot ay lunas

Maging matatag nawa tayo
Sa Kalikasang pagsubok gaya ng bagyo
Humingi ng awa sa Panginoon
Na palisin ang kalamidad, iligtas ang ating nasyon

Ang pangarap ay kailangan ng sipag
Ngunit higit sa lahat ay kalooban ng Maykapal
Manatili sa matatag na pananampalataya
Laging manalangin, hawak NIYA ang buhay natin

Maligayang Pasko, Manigong Bagong Taon!

12-25-14

Umawit

Umawit ako sa Christmas Party namin
____Tangay ang isang damdamin,
Na ayaw ko namang aminin

12-24-14

Akrostik

GRACE

G reat
R esults can be
A chieved by
C orrect disposition and
E valuation

11-10-14

G od
R eward those
A ctions that are
C entered in His will and
E xemplify love to mankind

11-13-14

Grace

Grace,

This is how I show my Love,

A Teddy Bear that you can Hug,

And though I tell you avoid the woe,

Just hold it tight, don’t let it go

Rod Escobin
LBNHS

A dedication I wrote in the card for Grace. I sent her a Teddy Bear.

Pag-Ibig

Ito’y isang malakas na damdamin
Na kung minsa’y ayaw aminin
Dahil parang nahihiya
Subalit sa loob ay natutuwa
Pag-ibig sa isang katipan
Ay huwag nating pagti-tripan
Pagka’t kung siya’y magtatampo
Ay tila isang malakas na bagyo

Kaligayahan mo ang nakataya
Kung siya ay mawawala

** Ito rin yung tulang sinulat ko nitong Huebes nang pasulatin kami sa seminar na aking dinaluhan.

Matrimony

Front of the altar
They exchanged vows and “I do’s”
Lips kissed as proof

it’s haiku
Today, 9:55 p.m.

Loss Game

Five seconds to go
Looking for someone to pass
Found one, shoots but missed

Haiku
7:55 P.M., today

Yelo

Magandang imbensiyon ang pagkakatuklas ng yelo
Nakatutulong ito’ng maalis ang sakit ng ulo
Dagling natitighaw ang matinding uhaw mo
Kailanga’ng-kailangan, sa panahong ito,. . . .
Pagkat balita’y may darating na el niño
Kailangan ay freezer o ref, at naiinom na tubig
_ _ maaaring sa yelong-plastik, so ikaw’y ba’y may gripo?
Paano nga kaya nong unang panahon?
E di ang alak ay iniinom nang basta ganon
Siguro kung ako’y sa panahong iyon
Di ko maiinom ang alak na gayon

Yelo! Pabile!

5/13/14
9:50AM