avatar

About Marcelo Suerte Felipe

A married Bulakenyo with three kids, Gerry Mark. Maradelgem and Mark Leo. Studied at The University of the East-Recto. I am God-fearing, a homebody but easy-to-deal with person. At an early age I am very much interested in reading ang writing Tagalog poems. I was able to express my feelings and views artistically. I was so grateful being with Emanila Poetry because by reading some works done by each talented contributors, my way of composing improved a lot...(^^,) But youth of today pay less attention to literature. They consider "Tula" & "Maikling Kwento" as "baduy" or "bakya". They did not know that writing & composing help us to develop and spread some of our cultures and traditions. Writers are naturally born but it can also be learned and developed. One just need focus, patience and strong desire to achieve this ability. So, we should continue writing!!!

Balatkayo

Magara’t makintab damit na hinabi
Hitsura’y masaya may ngiting parati
Subalit sa puso’y mayroong bahagi
Agos niyong luhang pilit kinukubli. [Read more…]

Dahilan

Buko

masusukol

tiyak itatanggi

lalantad ang mga saksi

huli!

Bakit Nga Kaya?

Dati ang pagtula’y naririnig lamang
Kapagka makata’y nasa balagtasan
Ni hindi naisip darating ang araw
Pagkatha ng tula ay kagigiliwan.
Kahit sa sarili ako’y nagtataka
[Read more…]

Takte

nasanay sa lalake

ina ang hanap

natagpuan ay peste!

Militante

Laging nasa lansangan

hiyaw ng hiyaw

may silbi ba sa bayan?

Kawal

Hirap

gutom pagod

sa tungkulin subsob

pondo nila’y nahan? laging

ubos!

Awit ni Anne-anne

Sa aking paggising ay payapa naman
Itong aking puso at maging isipan.
Nagmumuni-muni, ano’ng naghihintay?
Masagana kaya itong bagong araw?
[Read more…]

Hay buhay!

“Ang tigas kasi ng ulo mo! Wala kang kadala-dala!”

Galit na naman siya.

“Anong gagawin ko? Hindi ko naman sila matiis eh,” katwiran ko.

“Lagi na lang ganyan! Tumutulong ka na, sila na ang mali ikaw pa ang masama?!”
[Read more…]

Banal?

Nakaluhod daop-palad

Pikit-mata umiiyak

Ang pighati sumusulak

Inuusal yaong hangad.

Kung makamit yaong nais

Naglalandas ng palihis
[Read more…]

Repost: Hiram

Sa takbo ng pamumuhay sa ibabaw ng daigdig
Bawat oras araw-gabi nakaamba ang panganib.
Ang payapang kaisipan napupuno ng ligalig
Mga puso’y naninimdim, nababalot ng hinagpis.
Sa labis na paghihirap kumakapit sa patalim
Gumagawa ng masama katuwira’y limot na rin.
Katinua’y nawawala sa dami ng suliranin
Kapag hindi nakayanan pati buhay sasayangin.
Bakit nga ba tayong tao simula pa ng isilang
Hindi lubos maibigay pananalig sa Maykapal? [Read more…]

Paano na Tayo?

Nakakabahala itong nangyayari
Sa kapaligiran na hindi mabuti.
Ang mga usapin ay napakarami,
Walang nalulutas may lagayan kasi!
Ang ibang nilalang ay naglakas-loob
Sa “illegal dealing” ‘di sila nahimok.
Yaong buhay nila’y napuno ng gusot,
Ang mga eksposey pawang nalilimot.
Inilahad nila ang nakakabigla
‘Pagkat anomalya’y hindi masikmura.
Subalit sa ngayon sila’y nasa lungga
Pinagdududaha’t inaalipusta.
Ang mga “offenders” nagkamal ng yaman
Pamilya ng saksi nagugutom naman.
Tigib ng pangamba ang kilos at galaw,
Sapagkat may banta sa kanilang buhay.
Karaniwan kasi kapagka mahirap
Ang sangkot sa kaso ay may hatol agad.
Ngunit kung sa pera’y sagana ang hudas,
May ebidensiya man resulta’y baligtad!
Wala na marahil maglalakas-loob
Magsabi ng mga mali nilang talos.
Hustisyang pangarap kayhirap maabot,
Ang makakamtan pa’y libong salimuot.
Ano’ng naghihintay na kinabukasan?
Sa bansang hustisya ay nababayaran.
Makakamit pa ba ang kasaganaan?
Kung nasa pusisyo’y mga tampalasan?

Pahabol: Wish Ko Lang

Kahit may aberya ay nairaos din
Botohang Barangay kasama ang SK.
Ang mga nagwagi tila nasa “heaven”
Sa mga nasilat ang mundo’y madilim.

Subalit hindi pa tapos kaibigan
Bagkus ang kalbaryo’y simula pa lamang.
Ng mga nanalong partido’y kalaban,
Niyong nakaupo na Mayor ng bayan.

Lalo na’t Alkalde ay hindi dinala
Sa barangay nito’y sadsad ang boto n’ya.
Bago makahingi ng proyektong pita,
Kailangang sumumpa ng buong  suporta.

Sa pondo at “relief” lugi sa hatian
Kung hindi man “delay” ay tiyak na kulang.
Ang mga papeles bago mapirmahan,
Butas ng karayom ang pagdaraanan!

Walang magagawa ang pobreng Kapitan
Maging matiisin ang dibdib tibayan.
Kung sakali’t siya ay maninindigan,
Mga nasasakop ang mahihirapan.

Huwag nang itanggi ang aking tinuran
Kahit saang dako ito’y kalakaran.
Kapagka nanalo’y hindi magkakulay
Ang mababang pwesto ay api-apihan.

Kailan mangyayari ang laging pangako?
“Maglilingkod kami ng taos sa puso!”
Mga taong-bayan tuwina ay bigo,
Yaong nakakamit ay pawang siphayo.

Sana sa pag-upo ng mga nanalo
Limot na ang laban bilang kandidato.
Nawa ang ibigay serbiyong totoo,
Para sa pag-unlad ng bayan at tao!

Kanino Ang Sisi?

“Sariwa ang hanging malayang umihip
Masaya ang ibong nangagsisiawit.
Ang buwan, bituin at gabing tahimik
Kayganda ng araw sa bughaw na langit!

Ang ilog, ang dagat pati na ang batis
Sagana sa isda sa uhaw pamatid.
Banayad ang agos kaylinis ng tubig
Kaybuti ng Diyos na kaibig-ibig!

Sa bundok at lambak mga kalupaan
Yumabong ang puno at mga halaman.
Bulaklak at bunga na pangtawid-buhay
Daigdig ay isang paraisong tunay!”

Ganyan kami noon bago ka dumating
Damang-dama ko pa ang iyong paggiliw.
Subalit sa ngayon pakinggan ang daing
Ng mga anak ko na nagugupiling.

Puno:
“Sa pagkakaingin ay wala kang habas
Magkamal ng yaman ang tanging pangarap.
Ang awit ng ibon nauwi sa iyak
Tahana’t pagkai’y iyong winawasak.”

Bundok:
“Ang kaanyuan ko’y iyong binabago
Munting kaunlaran ika’y nalalango.
Kaya’t sa pagdating ng baha at bagyo
Hindi mahadlangan pagkat pinatag mo.”

Lupa:
“Ang pagtatapon mo ng mga basura
Walang patumangga, laging bara-bara.
Paanong yayabong ang halamang sinta?
Kung lason ang aking kapiling sa twina.”

Ilog:
“Sanga lamang ako niyong karagatan
Daluyan ng tubig sa mga palayan.
Ngunit humahalo salot na kemikal
Mula sa banyagang mga pagawaan.”

Dagat:
“Umaasa ka rin sa’king kalaliman
Pangtawid ng gutom at pangkabuhayan.
Kung hindi pasabog pinatatambakan
Huwad na pag-unlad ang iyong katwiran.”

Hangin:
“Ng dahil sa aking simoy na marahan
Nabubuhay lahat sa mundong ibabaw.
Ngunit pag-unlad mong pilit inaasam
Lubhang pagkalason ang aking nakamtan.”

Ibinigay kami sa iyo ng Diyos
Upang ang buhay mo ay maging maayos.
Sa halip palain, pag-abusong lubos
Kalagayan namin ay kalunus-lunos.

Paano ka tao kung kami’y mawala?
Mabubuhay ka bang sa puso’y may tuwa?
Sa muling pagdating ng mga sakuna
Sinong sisisihin? Ikaw ang may gawa.

Nalulungkot ako sa magiging bunga
Kung ‘di mamumulat iyong mga mata.
Sa mamamasdan kong iyong pagdurusa
Pagdaloy ng luha ako ay kasama.

Nagmamahal:
Inang Kalikasan

Takipsilim

Kawayang tumubo na lubhang matikas

Habang tumatagal lalong tumataas.

Subalit sa tayog ng nais maakyat

Humapay ang dati ay namamayagpag.

Malalaking alon sa may karagatan

Gumugulong sila na lubhang maingay.

Ngunit sa pagsapit sa dalampasigan,

Ay nangababasag, tila natutunaw.

Mga batang paslit na puno ng saya

Lutong ng halakhak ay nakakahawa.

Kapagka nawalay sa mahal na ina

Babalong ang luha sa masuyong mata.

Ang mga tanawing aking isinaysay

Nagbigay babala sa diwa kong pagal.

Napagtantong lubos na kahit kailan man

Batas ng Lumikha ang nangingibabaw.

Sa pag-abot natin ng mithing pangarap

Huwag umabuso at maging maingat.

Hindi man naisin sa buhay ay tiyak,

May’rong dapit-hapon tayong malalasap.