History Of My Life

I looked back on the past days I have
And it seems they are putting me down
I am changing my life out of love
To live my life out of the dawn

It’s already written on my history
It’s already happening on misery
Things would not be easy if I will give up
So I must learn to fight and never give up

Since then, I stand tall above my knees
Fighting alone and never defeat
All I wanted I can now achieve
Just believe yourself and have self-respect

A days to come is a mystery
But for God it’s a reality
So don’t lose hope in the time of less
‘Cause God will help you and make it success

Lights On Darkness

I hear a voice inside of me
Looking for freedom to set him free
And looking forward of what he see
From the world of beast and mystery

Everytime I see him crying
It reminds me of the day I’m dying
In the heart of lies and cruelty
Where my heart feels uncomfortably

It feels like I’ve nailed on the cross
When I watch the darkness on my soul
And sacrifice everything I own
‘Till the world would suffer all alone

There’s a light along the darkness
Don’t lose hope in the time of madness
Because our lord will help you to stand
And give you power to fight on hand

Buhay at Kamatayan

Kami ay binigyan ng malaking responsibilidad
Na ang bayan ay ipagtanggol mula sa mga gahaman
Hawak-hawak namin ay sandata, baril at granada
Upang ipagtanggol ang bayang aming sinisinta

Buhay namin ay nakatali sa kamay ni kamatayan
Gabi-gabi nananalangin na kami sana’y pagbigyan
Araw sana’y darating na ang lahat ay magmahalan
Nang matapos na ang giyera na aming kinatatakotan

Sa pamilya kami humuhugot ng aming lakas
Sila ang aming inspirasyon upang ituloy ang laban
Ngunit di nawawala sa aming puso’t isipan
Ang takot na baka kami mawala magpakailanman

Sa gabi kami umaatake sa mga kalaban
Hawak namin ay takot, sandata at dasal
Na nawa’y matapos na ang ganitong kahibangan
Kapwa Pilipino ang naglalaban sa loob ng inang bayan

Kami ma’y sundalo sa oras ng labanan
Ngunit kami rin ay tao na marunong masaktan
Masakit din sa amin na aming kapwa’y pahirapan
Dahil lamang sa ideolohiya at di pagkakaintindihan

Malakas mang tingnan ang aming katawan
Ngunit puso namin ay mahina’t walang laban
Dahil dalawa lamang ang aming patutungohan
“Buhay lamang at Kamatayan”

Oh! Kay sakit

Sana di ka nalang nakilala…
Masaya pa sana ako ngayon..
Di nlang sna ako ngtanong..
Kung ang sagot ay “wala lang… May bf ako ngayon eh..”
Di ba ang sakit…

Alam mo tiniis ko yun…
D ko pinahalata sa iyo… Baka naman kasi sasavihin mo na “ang bagal mo kasi”…
ouch ang sakit…

Bakit kaya sa piling mo…
Sumasabog ang puso ko…lam m b ang sinisigaw nito?.
na “ikaw lamang ang buhay ko”… Oo yan ay totoo…

Pinilit kitang limutin…
Ngunit di ko kayang gawin…
At alam mo ba ang sanhi…?
Dikit ka ng dikit sa akin eh…
Oo, feel ko yun…

Sa aking piling…
Lagi kitang nakikitang masaya..
Sa tuwing akoy tumatawa…
Ngunit bakit sa kanya iba?
Ni ngiti di ko makita…

Tanong Ko Lang “Bakit?”

Sa araw-araw kong pamumuhay
Sa mundong punong-puno ng kulay
Mayroon akong mga katanungang
O kay hirap hanapan ng kasagutan

Problemang kay hirap solusyonan
Unti-unti akong sinasakal
Tanong ko lang sa maykapal
Bakit problema’y dumadating sa marangal?

O kayraming batang lumuluha
Sa lansangan tila nanghihina
Tanong ko lang sa maykapal
Ano ang iyong kadahilanan?

Sa mundo dapat ika’y mautak
Marunong tumapak sa mga itak
Tanong ko lang sa maykapal
Dapat bang ilaan ang buhay sa kapangyarihan?

Ayon sa kasabihan
Matatawid mo ang karagatan
Nang hindi nababasa ang talampakan
Ngunit di mo kailanman

Matatawid ang kahirapan
Nang di lumuluha
Ang iyong mga mata
Tanong ko lang “bakit?”

Nang Dahil Sa Bayan

Ang pagsinta sa inang bayan
Ang siyang iyong ginampanan
At iyong tinalikuran
Ang pamamahala ng mga gahaman

Luha’t pagdanak ng dugo
Ay sumailalim sa iyong puso
Bagkus, inalis mo ang pusong bato
Sa puso ng bawat pilipino

Lumaban ka gamit ang isang kapangyarihan
Kapangyarihang hatid ay kapayapaan
Ngunit epekto nito’y tagos hanggang kalooban
Yan ay ang utak ng iyong kadakilaan

Nabuhay ka sa mundong ito
Bilang isang mamamayang pilipino
At namatay ka sa kamay ng gobyerno
Bilang isang mamamayan ng Indyo

Nang dumanak ang iyong sariling dugo
Sa pilipinas na lupain ng pilipino
Puso ng mga bulag, pipi’t bungol
Ay napukaw na parang multo

Sila’y lumaban sa maling paraan
At namatay ng walang kadahilanan
Nabuwag sa dalawa ang katipunan
At siyang naglaban-laban para sa bayan

Nakalimutan ata nila ang dahilan
Kung bakit ka pinatay sa bagong bayan
Na ang inang bayan na iyong minahal
Ay makamit nya ang tunay na kalayaan

Sa iyong sinulat na kasulatan
Hinamon mo ang bawat kabataan
Na ika’y tulungan sa pag-unlad sa bayan
Dahil tayo raw ang pag-asa ng bayan

Mga kapwa ko kabataan
Pag-isipan natin ang nangyayari sa ating bayan
Masasabi kong bigo pa si Rizal
Dahil hanggang sa ngayon ginamit parin tayo ng dayuhan

Kahit sabihin nating malaya na ang pilipinas
Ngunit di naman tayo ang naglathala ng mga batas
Kung mayroon man ay kinuha lang ito sa ibang bayan
Kaya pilipinas alipin pa rin ng dayuhan

Sa mga pulitikong mapagsamantala
Kayo ang dahilan ng pagkadukha ng bansa
Araw rin ay darating at kayo’y magdurusa
Magkasakit, mamatay at kakalimutan ng madla

Kailan nyo sisimulan ang pagbabago
Dapat ngayon na sa araw na ito
Tulungan natin iunlad ang lupang pilipino
Na noon pama’y nagdusa sa kamay ng ulopong

Nang dahil sa pagmamahal sa bayan
Tayo’y andito pa’t nanahanan
Dapat ipagpatuloy natin ang kanyang sinimulan
At mamuhay magpakailanman.