avatar

About Carla Zaldivia

Si Buena Carla F. Zaldivia ay isang self-proclaimed Cebuana na naging Ilongga, pero true-blue Cavitena. Siya ay mukhang glamorosa sa umaga habang nakikipagbeso-beso sa mga tao sa hotel, pero patang pata naman pagdating ng bahay sa dami ng trabaho. Minsan rin siyang naglaro ng pagiging diosa sa loob ng isang kwartong puno ng empleyadong nagpipilit magpilipit ng dila para maiwasan ang pagpapalaganap ng prostitusyon tuwing wiwikain ang "Visit Cebu because we have a lot of beautiful and exquisite beaches."

Dati siyang nakikipagpatintero sa mga elektronikong liham sa isang Call Center sa Laguna, habang nakikipagpalitan ng malagkit na tingin sa mga titik na bunga ng maghapon o magdamag na kapipindot.

Noon ay isa siya sa mga maiingay na guro sa Departamento ng Humanidades sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Nagturo ng pakikipagtalastasan sa wikang Ingles, pangongopya ng mga pagsisiyasat nang hindi nabibisto, at kung paano magbihis nang hindi nahahalatang pang-ilang ulit mo nang isinuot ang pirasong iyon sa isang linggo.

May plano siyang maging triathlete ngunit hindi pa rin siya marunong lumangoy o magbisikleta.

Paborito niyang salita at gawain ang soliloquy kahit maraming ibang tao sa paligid.

Bigat

Ambigat mo. Anghirap mong mahalin.
Sabi ng isang minsan ay nagtangka rin.
Mabigat talaga, diba mahal pag may timbang?
Pag natapon ang laman, hindi ba’t kawalan?
Nasaktan ako nung una, ang harsh naman,
Pero ano ba ang problema sa katotohanan
Na ang taong tumutubo at nagkakaugat
Lumalalim, lumalago, kumakapal ang balat
Dumadami ang guhit, dumadami ang sugat
Nadaragdagan ang korona ng mga dahong nalalaglag?
Eh ano kung mabigat? Nagpapabuhat ba sayo?
Sino bang may sabing mali ang maging ako?
Masarap din ang mabigat, lalo na sa gabi-
Brasong nakadantay ng humihilik na katabi,
Hitang nakapatong sa ngawit na balakang,
Bigat ba kamo, eto, hanggang magkamanhiran.
Diba’t mabigat din ang pagbubuntis?
Tao ang dala mo sa loob ng matris-
Hindi hangin, kundi pulso at hininga,
Bigat ng buhay na magaang madadala.
Ano ba ang sablay sa pagiging mabigat?
Gramo ba ang usapan o tonelada dapat?
Bakit ba ako kinabog nung narinig ko ito,
Eh ikaw naman yata ang mahina ang buto?
Mabigat, malalim, mahirap mahalin?
Ang magaan, mababaw, nililipad lang ng hangin.

24 Hunyo 2016
Dahil lahat ng attributes ay neutral. 🙂
Alay sa mga taong nakakalimutang mahalin ang kagandahan ng kanilang sarili.

Lullabye

Sleep, Little One, and dream
Swim the cotton ocean that blankets the sky
On a pillow of water, lay your crown
Those metal monsters won’t hear your cry
Sleep, My Moonlight, the sun comes up
Sing lullabies for my still beating heart
You had a star when you were eight
And it was a lightyear too late
I’ll hum to you yet once more
As the dam of my tears break down
I kiss my knees and hug them tight
As I bid goodnight to my first Moonlight.

09 January 2016
When you carry the dead inside you.

Seenzoned

Ito raw ang patakaran sa laro,
Bibigyan ka ng barahang puro mukha.
Pag kanan Like, pag kaliwa Pass.
Dahan-dahan baka lumampas.

Pagkakataon na sigurong makachamba
Na ang nagustuhan mo, baka Like ka rin pala.
Sige lang, balasa lang, swipe lang, Tsong,
Baka swertehin ka na ngayon.

Ayun, panalo, ang match naging chat!
Hingin mo na ang number, sa Facebook i-add.
Pwede, Pare, pwede, parang may chance.
Baka pwede ang unexpected romance.

Pero bakit ganun, nung nagkita kayo,
Suot mo pa ang orig na sapatos mo,
Okay na sana, nagkalambingan,
Seenzoned pala kinabukasan!

Nakakita ka na sana ng Tinder Loving Care.
Muntik mo nang mahalikan si Tinderella.
Pero bakit kahit online tablado pa rin.
Sa umaga, seenzoned ka lang pala.

Bukas ulit, balasa pa more.
Kelan kaya totoong makaka-score?
Yung tipong #mayforever,
Hindi lang isang gabi,
Kasi nahulog ako sayo,
Naduwag lang magsabi.

28 Agosto 2015
Dahil kahit ang pag-ibig, kahit pa online, may expiration date.

Alay sa mga walang panahon o lakas para sa totoong date.

Bampira

Samahan mo akong manood sa pagsayaw ng usok
Sa ilalim ng araw ng poste sa gabi
Habang ako ay nangangatal sa hamog
Na sa nginig ng dibdib ay nagkukubli.
Ramdam ko bawat kalyo ng mga daliri mong magaspang
At guhit ng palad mong gusto kong hulaan
Ang linya kaya’y dumudugtong sa akin?
Ang linya kaya’y akin lang?
Kinukuskos mo ang aking hinlalaki
Pero nadarama ng buo kong katawan
Diyan ka lang sa aking tabi
Hintayin natin ang pagtulog ng buwan.
Natatawang tahimik dahil basa na ang ilong
Napapasinghot sa malamig na sipon
Mabigat ang braso mo sa aking balikat
Pero magaan ang aking ulirat.
Tara, halika na, gising na ang mga manok
Baka matunaw tayo pag araw ay pumutok
Hindi pwede ang sinag sa mga bampira–
Salamat sa pagsipsip sa aking kaluluwa.

24 Agosto 2015
Dahil ang pag-ibig ay parang pag-eskapo sa bahay at ayaw mo pang umuwi.

Archipelago

You stood as a conqueror
Stared at the shore
Is it mine to be conquered
Or anyone’s at all?
You breathed and felt smoke
From your toes to your nape
That silent, solemn,
Sober escape.

She was there
She seemed owned
By the island alone
Do you tread, do you tread on?

Hey, perhaps, it is not too late
Perhaps the sand on your feet will feel great
Perhaps it will smell of islands and trees
Perhaps this is all in the breeze.

02 August 2015
Because we were in an archipelago surrounded by an ocean of strangers.

Lasing

Alkohol sa ugat at usok sa baga
Pwede ba kitang isama sa suka
Pwede ba kitang ilabas sa sistema
Pwede ba? Pwede ba?

Minsan lang silipin mo ang aking kaluluwa
Na darang sa takot ng walang bahala
Na baka pag nakita mo ang mga demonyo sa ilalim ng kama
Tumayo ka, lumayo ka, maiwan akong tumitikim ng basang asin mag-isa.

Mga kalansay ng ilang kalendaryong pinalitan
Bumabangon sa hukay, naghahanap ng laman
Naghahanap ng ugat na masisipsip
Na puno ng tamis, na puno ng pait.

Maiaalis ko ba na maghanap
Maghanap ng makikinig sa hungkag na kumpisal
Hungkag na sakit ng puso at kalamnan
Kalamnang bugbog sa punong kawalan?

Isa lang naman ang ibinubulong sa buwan.
Ibalot mo ako pag bumuhos ng ulan.
Ibalot mo ako at huwag bumitaw.
Kailangan ng kaluluwang muling sumayaw.

Kailangan kita, parang batang api
Kailangan kita, parang iyak sa gabi
Kailangan ka ng kaluluwang lasing
Pakiusap, pakiusap, wag ka munang gumising.

Yakapin mo ang puso kong nanginginig
Buksan mong pilit ang utak kong nakapinid.
Kailangan ko ng magsasalba.
Kailangan kita. Kailangan kita.

31 Agosto 2015
Dahil may mga hugot mula sa sahig ng bote.

Cariño

Mahal mo pa rin kaya ako
kapag huminto na ako sa paghinga?
Kapag wala nang sakit ang braso,
ang hita, ang panga?
Kapag sa gabi ay hindi na ako ngumanganga?
Kumakalog ang balikat
O asul ang mata?
Mahal mo pa rin kaya ako
kapag ang aking papag
ay wala na sa sahig
kung saan ako namumulupot
pagkatapos na sa kamao mo’y humalik?
Kapag hindi na mahalaga
kung ang ngipin ay hindi na kumakalog?
O ang laman ng matres ay makailang beses nang nahulog?
Mahal mo pa rin kaya ako
kapag ako’y hindi na nanliliit
na parang lamok na hinahapak
sa katiting na galit?
Mahal mo pa rin kaya ako
kapag ikaw na lang mag-isa
at ako ay isa na lamang na nakakahong alaala?
Mahal mo pa rin kaya ako
kapag hindi na kayang yakapin
ng iyong mga daliri ang leeg kong
lagi mong inaangkin?

Inuukit ko sa balat
ikaw ay hahanap-hanapin
pero ngayon gabi
susubukan ko munang iahon
ang kaluluwa
mula sa dilim.

12 Hulyo 2015
Dahil may mga panahong may ibang taong dumadaan sa ibang uri ng sakit.

Bana

Mga brasong putol
na may bandanang itim
pinaso
sinunog
inalay sa hangin;
ilang kabaong pa ang kaya kong hithitin
hanggang mapasayaw
ang usok sa dilim?

Bulung-bulungan ng mga gusot na mukha
Kelan ba? Tagal naman.
Maganda pa naman sana.
Baka mapili. Baka may ugali.
Baka amoy kanal ang paa.
Baka masyadong matalino.
Baka masyadong maganda.
Matapang masyado.
Baka matalas ang dila.

Kausap ang sariling gunita
Huminga mula swelas
Hanggang kaluluwa–
Baka totoo.
Bawasan mo kaya?
Baka kulang ka pa?
O muli, sobra na.

Sumipol ang hangin ng mga ngusong sabik
Ano ka ba?
Kung sa sugal, ikaw ang winning streak.
Kumbaga sa kotse, top of the line.
Kumbaga sa mga diosa, divine.
Kung akin ka lang sana, tapos na ang SDE.
Hindi sa SM ang shopping, sa Duty Free.
Kung akin ka lang sana, breakfast in bed, tula ni Neruda, sundo, hatid,
bukas-kotse kahit hindi kawatan,
tama na ang dramarama sa hapon
hindi siya kawalan.

Nilunok ang sipon
na sa nikotina’y mapait
Hindi ko kailangan ng apelyidong ikakabit
Hindi ko kailangan ng pag-aalay sa altar
Hindi ko kailangan ng permanent scars.

Minsan ngumanga ako
isinubo ang pride

bumula ang bibig
muntik mamatay.

02 July 2015
Dahil ang pag-aasawa ay nakakatakot.

Almost

They who utter the best advice
often shun their own,
and there she sits
with a burning stick on one hand
and counting the years alone.

A lass,
her clothes askew
hair unkempt
in the arms of cotton-gutted Blue
started counting what should not,
started numbering it through.

They say the heart
is the size of a fist,
landing a glance at her own.
How long has it been?
She asked her shadow,
and her hand
which still grips the unknown.

Almost five years.
She said to herself.
That would have been enough.
Enough to have worn a frock,
enough to have made a flock,
enough to have have watched the clock, tick-tock-tick-tock.

Her pinky stood up.
She named her One.
For the year she felt reborn.
For the time she breathed
and smiled again and learned to turn, crawl, sit, stand, run on her own.
It is One who reminded her of things she saw for the first time–
flowers were gardens, dinners were feasts, stars were galaxies, warm nights turned to burning heat.
It was a milestone.

The Ring Finger stood up, too.
She named the lame one Two.
The constant embrace started to subside, like the flood after months of rainless nights.

The tall one, she called Three,
when she asked to be free,
but without notice there was Four,
and he wanted something else,
something more.

Years must never be counted, and now she knows why–
it was almost Five when she had to,
she learned to,
she had no option but to
say goodbye.

01 July 2015
Anni, amori, e bicchieri di vino, nun se contano mai. Anthony Capella.

Cheers.

Thank you, Rene Borromeo, for reminding me how counting makes us notice that we have actually let go.

Fingers

Sometimes
people hunch in solitude
not because they are lonely;
they are alone
because silence
sometimes serves
as a better
conversationalist.

You can hum about
the last time
your fingers were weaved with his
and felt somehow
that yours belonged
to those gaps between.

You can’t quite remember
when that was
or if it at all
mattered.
You just know
that now
it’s not the same.

You can’t hold his hand
because your own fingers
have been webbed
by late night thoughts
and calloused hearts.

That’s how you let go of 4.5 years.
That’s how the fingers say goodbye.

28 June 2015
When solitude counts as a sweet companion.

Promises

One of these days I’ll write you a verse.

That of
Blood and battles and banners down
Paper cuts, promises and evil clowns
Depressing euphoria
Ecstatic howls
Of crumpled bodies and fading souls.

That of
Romance and murders and chemical highs
Two-faced truths and honest lies.

One of these days, I’d write you a song
Of silk-clad Calliopes taken from the throng
Of tongues and salt and cursed curves
And a horse, a carriage, a hearse.

19 May 2015
When a friend steps into an abyss of loneliness and has kept on falling since.

Dear fellow writers, please visit Grape Escape at Maginhawa Food StrEat for a night of wine-induced poetry.

Whispers

When you feel the need to breathe,
Breathe deeper.
Shadows on the wall beckon you to come;
Come closer.
There were whispers
How they sing
In your ears they ring
The melody
That stings
Of a thousand pains
From a hundred stings
Sting deeper.

They will take you away
And promise you a midnight with the moon
And will take their tongues of fire
And burn you all too soon.
You will like what you feel
You will think that you will heal
But, Dear,
They will consume all of you.

And, Baby, while you burn
My fingers will burn as I hold you
And while you fade away
My kiss shall breathe to you
Don’t lose it
Don’t lose you
Because those whispers come
From whores of the damned
And they will damn you.

Let my charred hands take you away.
Let my blistered hands pull you.
I will not let me let you lose you.

19 May 2015
When a friend steps into an abyss of loneliness and has kept on falling since.

Dear fellow writers, please visit Grape Escape at Maginhawa Food StrEat for a night of wine-induced poetry.

Soltera

Kakainin na naman ng ibong
metal ang pakpak
Idudura sa tuktok ng punong
may dahong sibat
Idadampi sa noong wala namang lagnat
ang gusot na kamay ng mga buhay na alamat
Haharap sa mga hukom ng matres at edad–

Matanda ka na, Ara.
Kelan ka ba mag-aasawa?
Kelan ka ba mag-aanak?

26 Disyembre 2014
Wala pa rin po akong sagot.

Mechanic

Sometimes we are a machine
A cog
A wheel
A bolt
A nut
A robot
Mechanical parts
Moving on autopilot
Then Life hits the killswitch
Sometimes only the kill
Sometimes only the switch
Then we feel a twitch
A jam
And we bleed
And we remember how it is to be human
And taste iron in our mouths
And grease on our tongue
When the day is all but gone.

11 December 2014
When you feel the desire to not feel.