avatar

About Alexander Martin Remollino

Alexander Martin Remollino was a writer and development worker in the Philippines.

Notes for a Poetry Workshop, by Way of a Poem

A poem is the smallest package
containing the biggest things.

It should speak volumes upon volumes
without saying as much.
It should paint a thousand pictures
and sculpt a thousand statues.
It must possess power enough
to send a million ships around the world
a million times.

Kahel

Tila hindi bibitiw sa baril ang mga daliri ni Nonoy kahit na pukpukin ng maso.

Buo na ang kanyang kapasyahan: aasintahin niya ang ulo ni M. Villa, ang kanyang pangunahing kalaban sa panguluhan ng bansa, at kakalabitin niya ang gatilyo. Mabaliw-baliw na si Nonoy sa galit dahil may ilang linggo nang halos araw-araw ay laman ng mga balita si M. Villa at ang pagsasalaysay nito ng mga ulat mula raw sa mga sakada ng Hacienda Lucia na siya, kapag nalalasing, ay mahilig na mamaril ng sinumang dumaan sa kanyang harapan. Buo ang paniniwala niyang makasisira ito sa kanyang kampanya, kahit na ang mga marka niya sa lahat ng sarbey ay tila walang alam na tunguhin kundi pataas.

At ngayon, sa kanyang sasakyang nakahimpil may ilang daang metro mula sa tanghalan, nakaabang siya at ang kanyang mga badigard sa pagtawag sa pangalan ni M. Villa.

“At ang susunod na magsasalita, mga kababayan, ay ang dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas — walang iba kundi si M. Villa!”

Humigpit pang lalo ang kapit ng mga daliri ni Nonoy sa baril. Bumaba ang bintana ng kanyang sasakyan at bahagyang sumungaw mula roon ang bunganga ng baril ni Nonoy.

Subalit natigilan siya pagsipat niya sa teleskopyo.

Mukha niya ang mukha ni M. Villa!

Napaigtad mula sa pagkakahiga si Nonoy at natagpuan niya ang kanyang sarili sa silid-tulugan. Sa kabila ng init ng madaling-araw, kasinlamig ng yelo ang pawis niya. Sinindihan niya ang ilaw sa lampshade sa mesitang katabi ng kanyang kama, at siya’y napalingon sa salamin sa dingding.

Mukha ni M. Villa ang mukha niya!

Kumawala mula sa kanyang lalamunan ang isang makabasag-tainga, kakila-kilabot na sigaw.

Naramdaman niyang niyuyugyog ng kanyang mga badigard ang kanyang balikat at siya’y iniwan ni Pagtulog.

“Binabangungot yata kayo, Ser.”

Maaliwalas ang umaga. Ngunit naglalaro sa dibdib ni Nonoy ang mga damdaming kasindilim ng hatinggabing walang buwan at bituin.

Hinanap niya ang salamin subalit wala ito sa kinalalagyan.

Muli, kumawala mula sa kanyang lalamunan ang isang makabasag-tainga, kakila-kilabot na sigaw.

Hindi na niya malaman kung saan nagwawakas ang panaginip at saan nagsisimula ang totoong buhay. Hindi na niya alam kung si M. Villa ba ay naging siya, si Nonoy, o kung siya ba, si Nonoy, ay naging si M. Villa.

Nagtatakbo siya palabas ng silid-tulugan, halos magkandudulas sa pagbaba, at nang marating ang silid-kainan, itinaob niya ang hapag at tumilapon sa sahig ang lahat ng pagkaing inihanda bilang almusal at panghimagas — kabilang ang ilang kahel na naggulung-gulong.

Natuon ang mga mata ni Nonoy sa mga kahel at lumitaw sa kanyang diwa ang mga eksena mula sa isa sa kanyang mga klase noong siya’y nasa kindergarten.

Okay, class, remember — red plus yellow equals orange. Repeat!

Red plus yellow equals orange.

Sa kanyang isip ay parang demonyong nanunudyo ang isang tanong:

Ano nga naman ang kaibhan ng dilaw at kahel, liban sa ang kahel ay dilaw na may halong pula?

At habang sinasabunutan ni Nonoy ang sarili, sa kanyang diwa’y paulit-ulit ang dagundong ng pinapag-isang tinig ng mga paslit na nagsasabing red plus yellow equals orange

Rabid

Two men ready to eat each other
for the land’s highest seat
bark like rabid dogs at each other.
Each froths in the mouth
as he tries to prove his opponent
is a mad dog.

On the Margins

Let them run, for Pete’s sake.
Stop the finger-pointing. Stop the whining.
It is they, after all,
who really live on the margins.
In a land where more and more are making their homes
in pushcarts or under the bridges,
or on the sidewalks or overpasses,
or in makeshift tents in the playgrounds of public schools,
it is those who have mansions
in San Francisco or, at least, in The Fort
who really live on the margins.
Let them run, for Pete’s sake,
and brandish the banners of their ilk.

Mariannet

DAVAO CITY, Philippines — A 12-year-old girl, who became despondent over her family’s poverty, hanged herself inside their makeshift house a day after her father told her he could not give her the P100 she needed for a school project.Using a thin nylon rope, 12-year-old Mariannet Amper hanged herself in the afternoon of November 2. She was a sixth grader at the Maa Central Elementary School.

Her father, Isabelo, 49, who was out of job as a construction worker, said Mariannet asked him for P100 which she needed for school projects, on the night of November 1. He told his daughter that he did not have the money yet but he would ask his wife if she could get some money for her. The morning after, however, he was able to get a P1,000 cash advance for a construction work on a downtown chapel.

By the time he got home, Mariannet already lay dead…

— Nico Alconaba, “Girl Who Killed Self Lamented Family’s Poverty in Diary,” Philippine Daily Inquirer, 7 November 2007

Ang mga pahina ng talaarawan niya
ang nagsasalita para sa kanya:

Mga pangarap lamang ang bumuhay sa kanya
sa loob ng ilang taong nagdaan.
Ngunit payak man ang mga pangarap na iyon
ay mistulang mga suntok sa buwan:
patay na bago pa man maisilang.

Isang araw, natagpuan siyang nakabigti.

===

Ilan na ang sa kanya’y nauna
at tiyak na hindi siya ang huli.
Para sa marami,
matagal nang nakabigti ang mga pangarap
sa “bansang ito ng ating mga kalungkutan.”

Kaninong mga kamay ang pumaslang sa pag-asa
ng kayraming nawalan ng pag-asa?

Mga kamay na walang hinawakan buong buhay
kundi ang salapi nilang hindi kanila.
Mga kamay na sumenyas na ayos lang ang lahat
habang kayrami ng mga taong
sinasawi ng dalita.

Salaring lahat silang nasanay nang mabuhay
na parang mga patay —
silang mga patay na buhay, mga buhay na patay
na maiging magpatiwakal na lahat
upang mabuhay na muli ang pumanaw na pag-asa
ng napakaraming tao,
lalo na ng mga batang hindi pa man isinisilang
ay tiyak nang walang bukas na haharapin.

===

Humimlay na si Mariannet Amper:
sinamahan na niya sa paghimlay nang walang hanggan
ang mga pangarap niyang isinilang nang walang buhay.
Sa ating mga diwa, sa ating mga puso —
hayaang magsaya si Mariannet sa kanyang kamusmusan,
hayaang ang kanyang mga pangarap
ay mabuhay nang walang katapusan.

Silang Iila’y Iisa ang Mukha

Sa masang tagasuporta ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada

===

“I believe I can best continue to repay our people the blessings that God has so graciously given me by supporting from hereon the programs of Mrs. Arroyo that are intended to attack generational poverty and hunger.”

— Joseph “Erap” Estrada, 26 Oktubre 2007, matapos mapalaya sa bisa ng executive clemency

I
Kaytagal ninyong sinubaybayan ang pelikulang-seryeng iyon:
ang walang-katapusang duruan
ng isang gustong makalaya’t isang ayaw makulong.
Kaytagal na kayo’y nakingitngit, nakidalamhati
sa tauhang nakakulong
sapagkat sa tabing ng inyong mga panaginip,
siya na sana ang maghuhudyat ng inyong itinakdang araw —
dangan nga lamang at inagaw ng iilan sa kanya,
wika ninyo,
ang luklukang inyong sa kanya’y pinaghatiran.

Sa wakas ng palabas,
umugong at dumagundong ang inyong mga hiyaw
nang ang bida’y humarap sa inyo
na wala nang posas ang mga galanggalangan —

at aywan kung rumehistrong malinaw sa tabing
ang nabunyag na katotohanang
‘sindilim ng bulwagan kung patay ang mga ilaw:
na yaong bidang kaylaong ipinagrosaryo’t ipinag-orasyon
at kontrabidang kaylaong gustong ipakulam

ay iisa lamang pala ang tunay na mukha.

II
At dito’y walang dapat ikapanlaki ng mga mata
sapagkat sa pelikula ng ating kasaysayan,
tayong mamamayan ay lagi nang mga hamak na ekstra
at may iilan lamang na bida’t kontrabida
na iisa ang hilatsa ng mga mukha.
At magpapatuloy ang nakapahaba nang palabas na ito
hanggang tayong mamamaya’y hindi nakapagpapasya
na maging direktor ng sariling kapalaran.