Araw ngayon ng mga ina
—
Unang pagsinag ng araw
Ay sa mga ina
Unang dampi ng amihan
Ay sa mga ina.
—
Ay, mga ina!
Ay, ina!
—
Ipagbunyi ang mga ina.
Dakila ang mga ina.
—
Bawat kanta
Ay kanta sa mga ina
Bawat sayaw
Ay sayaw sa mga ina.
—
Nagpipiging para sa mga ina
Nag-uusap, nagagalak,
Nagdiriwang
Sa mga ina.
—
Bawat larawan
Larawan ng mga ina
Bawat panitikan
Panitikan ng mga ina.
—
Bawat awit
Awit sa ina
Bawat guhit
Guhit sa ina.
—
Ina ko
Ina mo
Ina nila
Ina natin
Ina ninyo.
—
Batiin ang bawat ina
Batiin ang mga ina
Batiin ang ina mo.
—
Araw ngayon ng mga ina.
—
Mahal na ina,
Unang sambit ng dila
Unang unawa
Sa kalinga.
—
Ina
Inang
Nana
Nanay.
—
Ay! Ay!
Latest posts by Fermin S. Salvador- Pag Sumapit ang Bagyo - December 7, 2012
- Bullies like China need to have reality check - July 18, 2012
- Sa Aking Ama - June 17, 2012
- Impitsment at Ekonomiya - June 3, 2012
- "Vote for Jessica" - May 27, 2012

{ 2 comments… read them below or add one }
puwdeng gawing novelty song ito, hehe.
Tama ka diyan, Donbus. Ito nama’y lambing lang ng panulat sa nanay ko he he. Di na kailangang maging malalim o seryoso sa kanya, maski salita ay hindi sapat, dahil nasa sinapupunan pa lang ay kilala na niya ako. Sa isang banda ay isang pagbati na rin sa lahat ng nanay sa buong mundo.
You must log in to post a comment.