Ang Tula Ko’y Bugtong 3
Ang tula ko’y bugtong
ano’ng Iyong tugon?
Aking pinagmulan
maalat matabang,
Malayang maglakbay
malalim mababaw.
Ngayon ay siksikan
hindi makagalaw,
Matamis maanghang
may mura at mahal.
… DcD/dodie
- Ang Tula Ko'y Bugtong 6 - 11th March 2010
- Tama Ba Na Mali, Mali Ba Na Bawal - 9th March 2010
- Kung Mananalo Ka, Kwento Ng Pulitiko Na Ba - 4th March 2010
- Ang Txt Ko Ay Tula - 2nd March 2010
- Ikaw Na Ang Tula, Ako Ang MayAkda - 24th February 2010

