Ang Salapi

Bakit ba walang pantay dito sa mundo?
Pataasan ang kalagayan ng tao;
Ang salapi ay naghahari sa puso,
Ng mga gahaman sakim na totoo.
-
Kung ika'y mahirap,aba at alipin,
Ang hinaing mo ay hindi maririnig;
Kamatayan ay tiyak mong makakamit;
Doon sa lupa'y buhay kang ililibing.
-
Sa mundong ito na kayamanan ang hari,
Walang kapantayan ang lahat ay bingi;
Pinupugutan maging ang mabubuti,
Pagka't ang hustisya'y wala sa sarili.
-
Gan'to ba talaga ang buhay sa ngayon?
Lahat na ng tao'y kayamanan ang habol?
Pati ang prinsipyo'y binaon sa limot,
Masiguro lamang gahaman ay busog.
-
Makinig naman kayo aking katoto,
Isaalang-alang ang buhay ng tao;
Bakit hindi sa sarili ay ituro,
Na ang salapi'y nangangain ng buo.
Latest posts by Diane Medina

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Diane Medina

"pangarap ko'y maging isang manunulat,
sa mundo ng panitikan ako'y mamumuhay;
tulang pinakamamahal aking isusulat,
kaligayahan ng puso habang nabubuhay."

.Lumaki at nagkamalay sa Lungsod Quezon. 18 taon ng nakatira sa mundo..Nagsimulang mangarap na maging manunulat ng tula noong nasa ikatlong taon sa hayskul.

Comments

  1. Kamakailan lang,ilang taon lang ang lumipas sinabi sa akin ng isang kabunggong balikat
    habang sumusuweldo kami ng tig-seven dollars and fifty cents
    kada oras na: “no kaya Tata at ang ginawa noong naimbento
    ang pagpapasahod ng dolyar ay ang isang dolyar ay simbigat
    at sinlaki ng isang gulong ng ten wheeler truck?”

    hehe…’eka ko e, sapat na sa akin ang isang dolyar para maghapon ko itong maiuwi at pagulungin para pagdating ko sa bahay ay matutulog na lamang ako nang mahimbing.

    Taon- 1987
    Lugar- Dededo, Guam

    tula nang tula!

    tata

  2. ganun po ba?
    tata maswerte po ang mundo
    sapagkat may tulad pa niyo
    na sa simpleng pamumuhay ay kontento.

    salamat sa tula!

  3. do your best to prove your knowledge, and to share theme to everyone,….

  4. gogogo…..

  5. avatar Carla Anne Torres says:

    . :)))

  6. avatar Marjory Tomines says:

    like..:)

  7. avatar Carla Jean Conog says:

    ..hhmmmm..

  8. avatar John Kevin Rom Niebres says:

    ^_^

Speak Your Mind