Ang Mabuting Kaibigan

ANG MABUTING KAIBIGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang mabuting kaibigan ay handa sa pagdamay
Sa anumang labanan, handa siyang mamatay
Para sa kanya, ikaw’y higit pa sa kanyang buhay
Handa siya sa anuman, huwag ka lang malumbay.

Magkasalo kayo sa mga piging at inuman
Magkasama kayo kahit sa mga kalokohan
Kahit sikreto ninyo’y alam nyong magkaibigan
At sumumpa pa kayong walang iwanan sa laban.

Nagkakausap, nagkakasama, sadyang makulay
Pag isinulat na ang inyong mga talambuhay
Ngunit siya’y dapat mo lang pakiharapang tunay
Pagkat mabuting kaibigan, masamang kaaway.

Dahil alam niya ang likaw ng iyong bituka
At ang lahat ng baho nyo’y alam ng isa’t isa
Pag kayo’y nagkagalit, tiyak matindi ang gera
Titiyakin nyong wala nang buhay pang matitira.

Ganyan katindi kung maglaban ang magkaibigan
Kung sila’y sadyang magkakagalit na ng tuluyan
Kaya bago mangyari iyon, dapat pag-usapan
Ang anumang problema’t sila’y magkaunawaan.

Tutal, magkakilala na sila nuon pang una
At tiyak alam nila ang galaw ng bawat isa
Ngunit mas maiging may mamagitan sa kanila
Nang ito’y humantong sa magandang pagpapasiya.

Latest posts by Gregorio V. Bituin Jr.

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.

Comments

  1. avatar Franzel Faliorina Mezahon says:

    ::) tama'!

  2. tama,,,

  3. thank u may sasagutin nako sa assignment ko :))).

  4. tama

  5. avatar Maynard Labrador says:

    Mao!

  6. avatar Maynard Labrador says:

    Mao!

  7. ganda.. pano mg postb dito ng mga tula.

  8. avatar Arianne Jenelle Aragon says:

    Anong uri ng tula po ito?

  9. avatar Salinas Kshirlyn says:

    really touchable at sana marami ring maisusulat na magandang mga tula and now i know wat friend is…………………… THANKS

  10. TAMA, KAYA LANG BAKIT KUNG SINO PA YUNG TINUTURING MONG TOTOONG KAIBIGAN SIYA PA ANG TUMATRIDOR SAYO.:-(

Speak Your Mind