Ang Cellphone…

Litong- lito ang cellphone na nasa iyong palad
sa kapipindot sa halos burado n’yang keypad
hindi malaman kung ano ang iyong hangad
sana sa kanya’y iyong maipabatid agad

halos buong araw mo syang hawak-hawak
minsan pa nga sya’y iyong naibabagsak
kawawang cellphone muntik nang mawasak
di naman nya makuhang magrelamo’t umiyak

mahalaga ang cellphone sa buhay ngayon
lalo pa nga’t hi-tech na tayo sa ngayon
malaking tulong para sa komunikasyon
sa mga taong magkakalayo sa ngayon

komunikasyon ‘yan ang kanyang gamit
mga katagang sa nililigawa’y ‘di masambit
text ka na lang sa cellphone n’yang gamit
baka sakaling pag-ibig nya’y iyong makamit

maraming scandal ang sa ngayo’y kumakalat
gamit ang kamera ng cellphone sa pagkalap
baka isang araw bigla ka na lang magulat
ikaw na pala ang bida sa scandal nilang kinalat

ibayong ingat sa iyong pagtetext kaibigan
lalo kung ika’y may sekretong iniingatan
baka ika’y ipahamak ng cellphone mong hawak
at ma-wrong send ka kay misis kaibigan…

Latest posts by marcelino mallari

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About marcelino mallari

isang hamak na OFW na mahilig sumulat ng tula tungkol sa buhay-buhay,bagay-bagay at pag-ibig..ang aking kalungkutan ay naiibsan sa twing ako'y sumusulat ng mga tula..sana'y inyong maibigan ang aking mga gawa..salamat po...

Comments

  1. anu ba ang advantages ng cellphone?

  2. dis advantages ng cellphone?

Speak Your Mind