Ang Aking Pangarap

 

     Sa aking pag-iisa sa lupaing madilim,
    Puno ng takot ang aking damdamin.
    Ang aking hiling ay hindi marinig,
    Pangarap ng sarili abutin ang bituin
  
    Tumula’t kumatha ibig ng puso kong may sumpa
    Mangarap lumipad sumabog at mawala
    Kay sakit marinig ng hikbi at pagluha
    Ng damdamin kong ang buhay ay tula.

    Pangarap kong sa kalawakan lumipad
    Hawak ng matibay ang papel at panulat
    Tunay ang aking damdami’y hindi masusukat
    Sapagkat ang tula’y nag-iisang pangarap.

Latest posts by Diane Medina

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Diane Medina

"pangarap ko'y maging isang manunulat,
sa mundo ng panitikan ako'y mamumuhay;
tulang pinakamamahal aking isusulat,
kaligayahan ng puso habang nabubuhay."

.Lumaki at nagkamalay sa Lungsod Quezon. 18 taon ng nakatira sa mundo..Nagsimulang mangarap na maging manunulat ng tula noong nasa ikatlong taon sa hayskul.


Fatal error: Uncaught Exception: 12: REST API is deprecated for versions v2.1 and higher (12) thrown in /home/emanpoet/public_html/writersgroup/wp-content/plugins/seo-facebook-comments/facebook/base_facebook.php on line 1273