Anak

Ikaw ang sonata nitong buhay
Himing na aking gabay
Liwanag sa gabing madilim
Sa sinag ng araw ika’y lilim

Ikaw ang sigla ko’t lakas
Kahapon,ngayon at bukas
Ngiti ka sa aking mga labi
Na kailan ma’y di mapapawi

Sa pagpipinta ikaw ang aking paksa
Larawan mo ang natatangi kong obra
Hanggang sa mga panaginip ika’y kasama
Hatid mo ay maaliwalas na umaga

Huwag ka sana s’akin mawala
Hanggang sa huling paghinga
Nais ay kapiling ka, dahil
Ikaw ang buhay ko’t hininga

Anak

Latest posts by Catherine Agunat

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Catherine Agunat

Born on a sunny day beneath a tangerine sky.