Aking Mahal…

maisip lang kita
nabubuo ang isang tulang mahiwaga.
Sa mga kurba ng iyong katawan
humahabi ng matatamis na berso
ang aking isip at mga kamay.

Mahal
isang sining ang iyong kariktang
sa akin ay nagbibigay malay
may alab na kumakalabit
at sidhing kumililiti sa puso
pinag-iinit nang husto ang aking laman.

Kapag ikaw ay karinyuhin
at baliw na yakapin
ang berso nitong tula
ay pumapaimbulog
sa ikapitong langit.

Mahal…
ewan ba
kaylan kaya
kahit man lang sana sa panaginip
ang lampungan ay manatili gabi-gabi
at ang lalong higit na buting-inam
ay ang magbagong-anyo ang pangarap
na ikaw ay makilala at mahipo
sa matimyas na katotohanan.

Luanda, Angola
08-March-13

Latest posts by Noel Reyes

Share and enjoy...

If you enjoyed and liked this post, LIKE it on your Facebook. Consider also leaving a comment below to share your thoughts with others.
avatar About Noel Reyes

I`m Noel Lalic Reyes.
I`m from Sapang, Jaen, Nueva Ecija.
Roman and Teodora - my parents.
Jeffrey Anthony, Jefferson, Jacob, Josua, Joy - sons & daughter.
To them I dedicate my poems. I love them more than anyone now.

Since 1991, working here in Luanda City, Angola (West Africa) as a
Property and Supply Custodian, Aircraft Spare Parts & Equipments in an
Airline Company.
I like hard work and I don`t care how long my hours are.
I`m in the Philippines twice a year, April and October to spend my holiday.

Comments

  1. avatar Anonymous says:

    ganda ng mga mensahe.

  2. Sa totoo lang igang”Anonymous” 4 na salita lang ang ang ginamit mo pero tinalaban ako. Ang tuwa ng damdamin ang humila sa mga labi ko sa pagngiti. Nakakatuwa pero totoo…isang kaaliwan ang iyong maigsing komento. – kuya Noel

Speak Your Mind