wala lang
Nabubuhay ako ngayon sa kalungkutan
At ang mundo ko’y walang kabuluhan
Mga mata ko’y laging luhaan
Buhay nga ako ngunit walang pakiramdam
Walang humpay na pagluha
Walang humpay na pagtangis
Hanggang kailan ako magiisa
Hanggang kailan ako magtitiis
Ganyan kasakit mamuhay sa ibayong dagat
Kailangan pasanin mo ang lahat lahat
Isakripisyo ang kaligayahan para sa pangarap
Pangarap na hindi mo alam kung kailan malalasap..
Other posts by chaumali
Share this post with friends





