Hiwa Sa Lawa II
Eleganteng kinang sa mata’y kumislap,
Ilusyunadong sulyap puso ko’y pumitlag;
Ragasang pagpintig waring sasambulat
Ang dugong naglunoy sa naknak ng sugat.
Matagal naghintay sa iyong pagdating,
Ehemplo ay batis na laging may hiling
Sa balumbong ulap at sa papawiring:
“O, ulap-busilak kailan darating
Riwasa ng tubig dadaloy sa akin?”
Disyembre 1, 2008
Angat Dam, Bulacan
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends





