«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Mga Tanaga ng LUHA

by Ezzard R. Gilbang

SALUBONG AT PAALAM

Nang sa mundo’y ilabas

’sinalubong ay iyak;

Nang sa puntod ihatid,

panaghoy ang narinig!

 

MAY TINIG ANG LUHA

Ang luhang nagtitika

ay mula sa kalulwa,

Ang luhang nagagalak

mula sa pusong wagas.

 

IISA ANG KULAY NG LUHA

May itim man o puti

Dilaw at kayumanggi

kahit na anong lahi

may luhang isa’ng uri

 

 

 

 

 

  • Other posts by Ezzard R. Gilbang
  • Share this post with friends Share this post with friends

    RSSSubscribe to RSS Feed

    Bookmark this article!

    Del.icio.usDiggFurlGoogleMister WongNewsvinePropellerRedditSlashDotStumbleUponTechnoratiYahoo

    11 Responses to “Mga Tanaga ng LUHA”

    1. Rod Escobin - LBNHS says:

      pero sige ako’y makikigrupo
      Yahoo group kamo?

    2. Rod Escobin - LBNHS says:

      Hirap ako sa palipat-lipat
      _Tama na sa akin ang emanila (at saka myspace)
      Dito na lang ako’y maglalapat
      _Dito mo ako makikilala

      - - - - - - - - -
      (alam ko yata yan, nandyan din yata si Tata, ayoko ng maraming sinasalihan, nagiging makatang pagod)

    3. Ezzard R. Gilbang says:

      Ang kumpletong e-address kasamang Rod ay:
      http://groups.yahoo.com/group/kamakatahan

      dalaw ka sa aming tahanan!

      kuya Sam

    4. Ezzard R. Gilbang says:

      Paumanhin kung tanggihan
      papuri mong inialay
      pagkat tinig lang sa ilang
      ang aba mong kaibigan;
      at kita’y maanyayahan
      dalawain mo na subukan
      ang dampa na tahanan:
      KAMAKATAHAN ang pangalan!

      Yahoo Group ito kaibigang Rod

      kuya Sam

    5. Rod Escobin - LBNHS says:

      Sadyang ika’y napakagaling
      _Wala na akong masasabi pa
      Lahat sayo’y mahuhumaling
      _Sa komento ko, ako’y suko na

    6. Ezzard R. Gilbang says:

      likhang isip lang igan
      diwatang paralumang
      mutya ng panulaang
      may halik ng paggabay

      sa mga taga-uswag
      ng tula’t odang wagas,
      kung ipinamamansag;
      kapiling hanggang wakas!

      kaya’t aking katoto
      putungan ‘tang totoo
      at tula ay ibando
      isaboy ‘ta sa mundo!

      kuya Sam

    7. Rod Escobin - LBNHS says:

      Sobrang lakas mo na talaga
      Mambabasa’y di na masawata
      Sino ba yang sa yong alaala
      May bilo’y na isang diwata?
      - - - - -
      (Si Maria Makiling?) taga LB ako.

    8. Ezzard R. Gilbang says:

      Di naman kasamang Rod;
      wika ko’y natalisod,
      gaya mo ring nalugod
      sa rikit ng taludtod!

      Mutya kong tinutukoy;
      ay diwatang may biloy
      kung may ngiti’t nagtuloy
      ang pagtulang dumaloy!

      Iyo’y mutyang naisip
      sa mundong panaginip
      nag-uudyok na awit
      paghumabi ng titik!

      kuya Sam

    9. Rod Escobin - LBNHS says:

      Mabuti naman
      Nag-eenjoy sa panulaan

      Pangunahing kaibigan,
      Ibig mo bang sabihin
      minsan ika’y tumula
      sa dalagang mahinhin?
      Anong tulaan yan?
      Para bang Balagtasan?

      Talagang ika’y maaasahan
      Basta’t tulaan ang pinag-usapan
      Matatamis na salita’y kanyang maaasam
      Basta’t ito’y sinulat, walang iba si Kuya Sam

    10. Ezzard R. Gilbang says:

      ok naman kaibigan
      lalo na’t panulaan
      ng mutya’t paraluman
      dumadayaw nang minsan!

      ikaw, musta na?

    11. Rod Escobin - LBNHS says:

      Tumpak ito nga’y mga tanaga, kailangan ang hustong sukatan, musta na kaibigan?

    Leave a Reply

    Join our Top 10 Commenters · Commenters Community

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    RSSSubscribe to RSS Feed
    Why subscribe?


    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!