Siya
Hayan na naman siya
Pagala-gala…
Abala ng abala sa
mga taong dumaraan
Doon siya sa tabi ng ding-ding
Walang pag-asang may
mararating
Tila sa kanya’y impyerno
ang buhay
Tunay na mapanghusga at
Kailanma’y hindi naging makulay
Sa lagim ng dilim
Siya’y nag-iisa…
Hindi man lang niya naranasan
Ang may kasama
Lagi niyang inaasam ang isang
pagmamahal
Na para sa kanya’y kailanma’y hindi
makakamtan…
Lagi niyang itinatanong sa kanyang sarili
” Ang Diyos ba talaga ay na saking tabi?”
Para sa kanya’y walang Diyos
Na nandiyan sa tabi tuwing may pagsubok….
Ang buhay sa kanya’y sadyang malupit
Hindi man lang siya nabigyan ng
Pag-asang sumaya
Sana maisip niya ang kagandahan ng buhay
Itatak sa utak na ang araw ang sumisikat pa
Itanim sa kanyang utak na ang
Diyos ay kailanma’y hindi nang-iwan…
Other posts by jadca_13
Share this post with friends





