Susi (Dilang Matalim)
Dilang matalim,
salita ay sumusugat
sa pusong may cancer.
Ito ay mas magaling,
kaysa mata na di makita
ang hukay ng bangin.
Iyon ay mas maigi
sa mukhang
makapal, na tumatanggap ng sampal
mula sa kamay ng hangal.
Siya ay mas mahusay
kaysa tainga
na di marinig
ang halakhak ng mga buwaya’t
halimaw, at panangis ng
mga aping tinutugis.
Dilang matalim
Susi sa mga pintong
nakapinid, nakapikit,
manhid at bingi,
sa gitna
ng lansangang
nababalot
nitong
dilim.
This entry was posted on Tuesday, September 30th, 2008 at
Other posts by Tudlang Tala
Share this post with friends





