Nagsawa na
“Huwag na!” Ito’y text mo noong sabado
dahil sawa ka na sa kapa-pangako ko.
suko ka na, nabanggit mo pa
at talagang “hands-up” na.
“Ayaw ko na!” Sundot ng isang mensahe na
mariing sinundan ng mga katagang -
ikaw ay akin nang kalimutan.
Ako’y natulala, talagang nabigla
shocked na shocked kumbaga…
para akong binuhusan ng tubig,
nanlamig at nanginig sa galit.
“ah ganun? Puwes, adyos”, nasasa-isip
at marahang nasambit “lalayasan na
kita at di mo na muling makikita”.
Bitbit ko ang maleta ng aking mga damit,
ang hindi nagkasya ay aking kipkip,
ngilid ang luha, masikip ang dibdib
ngunit pinilit kong hakbang ay ituwid.
Nagmaneho akong pauwi ng probinsya
Tumuloy ako sa bahay ng isang tiya
biglang umalpas pigil kong pag-iyak
sumabay sa pagtunog ng celfon kong hawak.
Boses mong malumanay, aking narinig
humihingi ng tawad sa iyong nai-text
ngunit sa iyong pagsamo ako’y bingi na
ngitngit ng kalooban ay nadarama pa.
hindi lang minsan nangyayari ito
laging away-bati ang mga senaryo
kung ikaw ay sawa na, gayundin ako
ang mabuti pa nga’y maghiwalay na tayo.
Ayoko na rin sa iyo!
Other posts by deegey
Share this post with friends






October 7th, 2008 at 12:43 pm
Parang nagpapahiwatig si Deegey na available siya ngayon.
October 5th, 2008 at 3:08 am
Ouchie!!! Months ago..may mga katulad na pangyayari ang naganap sa akin….ayoko na rin sa kanya..HaHaHa!