Kalahating Milyong Kometa
Ngayong gabi,
Magpapakalunod tayo
Sa ilaw ng mga tala at buwan.
Kalahating milyong kometa
Ang mabibigyang buhay
Sa loob ng iyong katawan.
Hindi man nila maipupunla
Ang binhi ng kapalaran,
Hindi rin naman nasayang
Ang kanilang saglit
Na pagningning.
Dadaloy sila, mahal ko,
At alalahanin mo
Na bawat isa sa kanila
Ay butil ng aking pagkatao -
Sumusuyong maging isa
Sa init na sa’yo ko lamang
Nasisindihan.
Other posts by J. Marvin Enore
Share this post with friends





