Malapit Nang Lumipas ang Tag-Araw
Malapit nang anihin ang mga pinagpaguran
Pagtatanim at pagdidilig ng mga halaman
Bunga ng mga gulay ay amin nang pakikinabangan
Iluluto at ihahapag sa dulang na kainan
Lalasapin ang sarap ng sariwang kamatis at sitaw.
Sa isa namang banda ng aming halamanan
Ay mga bulaklak na iba’t ibang samyo at kulay
Kinalulugdan kong pupulin
At ilagay sa sala ng aming tahanan.
Tuwing umaga’y tuwa ko nang mga ito ay pagmasdan
Mga “lilies” na kay babango at mga “dahlias” na ’sing lalaki ng mukha ko
Namumukod na rosas na may pambihirang halimuyak
Ang tawag ay “Double Delight.”
Ako ay may kaba na malapit nang lumipas ang tag-araw
‘Di ko na mamamasdan ang ganda ng aming halamanan
Sampu ng mga bubuyog at mga paru-parong nagliliparan.
Isa na namang kabanata ng buhay ang malalagas sa panahon
Ngunit walang anu-ano’y darating na muli
Bibigyan ng buhay ang halamanan
Makakawala sa saplot ng matagal na kalamigan.
Other posts by Carolina C. Landingin
Share this post with friends






September 6th, 2008 at 3:37 pm
kunan mo ng larawan … ;yong samyo
hayaan mong lumipas. pahingi ng gulay.