Kung gaano ka kamahal
Hindi nga siguro sasapat ang matatalinhagang salita,
Upang maipahayag sayo ang aking paghanga,
Ngunit ganun pa man, hayaan mong banggitin,
Ang katagang “hangga`t may buhay ika`y iibigin”.
Ang aking pagmamahal ay di tulad ng sa iba
Magnilay nilay ka at iyong makikita,
Iyong matatanto sa kaibuturan ng iyong puso,
Matinding pagnanais at tapat kong pagsuyo.
Siguro nga`y hindi mo pa alam,
Kung gaano ka kamahal at pinahahalagahan,
Katulad ng matinding pagnanais ng langgam sa asukal,
Na kahit pa ang buhay ay handang ialay.
Mahal kita hanggang sa huling pagsikat ng araw
Hanggang sa huling bituwing matatanaw,
Hanggang sa huling pagpatak ng ulan,
Hanggang sa huling pag-agos ng tubig sa karagatan.
Mamahalin kita hanggang sa huling yapak ngĀ paa,
Hanggang sa huling luhang tutulo sa aking mata,
Hanggang sa huling tunog na maririnig ng taynga,
Hanggang sa huling salita na aking maipipita.
Hanggang sa huling dugong dadaloy sa katawan,
Hanggang sa aking HuLiNg PaaLAm,
Hanggang sa malibing bangkay ko`y maidlip,
Pag-ibig mo`y tataglayin di mawawala sa dibdib.
Asahan mo na itong pagmamahal,
Ay di matatapos hangga`t hawak mo ang aking kamay
Kung sakali man na ikaw ay bibitaw
Wag mong ipaalam tiyak na puso`y maluluray.
-giE-
Other posts by Rogelio Miranda
Share this post with friends






August 23rd, 2008 at 6:20 am
Magaling mamintuho ang persona ng tula.
Marahil, higit na tarikang manrahuyo ang makata ng tula
Sa bawat diwatang aalayan niya ng madiwang talinghaga.
Tula nang tula!
Tata
August 22nd, 2008 at 10:06 pm
mapalad ang taong nagmamahal ng tunay..subalit mas mapalad ang taong pinag-aalayan ng ganitong pagmamahal…