Pamamaalam
Musmos man ang kaway
Upang maunawa angĀ awa
At lumbay ng pamamaalam,
Nangangako ang gabi.
At bago humabi ng pananahimik,
Hihimig ito ng huling seremonya.
Ngingiti ang malamlam na araw
At minsan pang hahagurin ang dibdib
Ng kabukiran na marahang binubulungan
Ng pangakong hamog.
Mamalagi nawang muslak
Ang palad sa pagpiglas ng lawag.
Upang maunawaan ang unang
Takipsilim; habang tinatanaw
Ang huling langay-langayan
Na naglalangoy sa sariwang langit
Sa ibabaw ng birheng bukid.
Sa aking gunita.
Other posts by Ezzard R. Gilbang
Share this post with friends





