«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

ayoko nang umasa

by salipawpaw

bakit ang pag-ibig hindi mo matantsa ?
sa panahon at oras ako’y nangangamba
dahil kung sakiling ako’y magmahal muli
pagod nang maghintay kung sakali

kadilima’y nagsimulang lamunin ang liwanag
puso’y nagtangkang lumayo
pag - ibig ♥ ba itong aking tinagpo
sinunod ko lahat ng iyong luho

ikaw , ang huling nagpaluha
sa mga matang nangingintab sa sakit
mga hinanakit dahil sayo’ng pagmamalabis
pagmamahal lamang ang tanging ninais

huminto ang mga tala sa pagkinang
ang buwan ay unting naglaho
nag - iisa kong hinarap
hanggang sa nagkulay abo ang alapaap

pagtangis , wala nang paraan
takot ang nangibabaw
wala ka upang ako’y patahanin
di alam ang nararapat gawin

kimi nang tayo’y magkita
alaala ng bangungot na iyong dinala
sa buhay ko’y pinangarap ka
ngunit sa sakit , ayoko nang umasa .

  • Other posts by salipawpaw
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!