Pangarap
“Marami na akong naging pangarap
Pangarap na sa sarili’y magbibigay-saya
Ngayong ako’y katanghalian na (bago pa lang)
Pangarap ko na’y kaligayahan ng iba”
- - - - - - - - - - - - - - - - -
Maikling tula
Hunyo 28, 2008, gabi
Rod Escobin - LBNHS
also known as Greenfullmoon@myspace.com
Other posts by Rod Escobin - LBNHS
Share this post with friends





July 6th, 2008 at 3:48 pm
Kuya Sam and Tata,
Maraming salamat sa inyong dalawa. Tata, medyo hindi muna ako makaka-tula ng tula, pasukan na eh, medyo lesson plan muna ang susulatin natin. I’ll try one or two poem per month. At Kuya Sam, di ko malilimutan yang panlanggas mo. Tabas hapon ha,,..lol…..
July 6th, 2008 at 12:43 pm
Rod,
Ganito raw talaga kapag lumalawak ang unawa. Naalala ko tuloy ang isang tula na aking nakabisa noong ako’y nasa grade school. It goes like this:
O buwang maningning, ikaw ay mahiwaga
na palaisipan, sa balat ng lupa.
Kung ikaw’y pagmasdan dito sa ibaba,
sakdal ka ng ganda’t ubod ka ng gara.
Ngunit nang ang tao, sa iyo’y mayapak;
natuklasan nilang ikaw ay butas-butas,
bulubundukin ka’t pangit sa pangmalas
at ang nakikita’y batong matitigas!
kuya Sam
July 6th, 2008 at 5:01 am
Gansal ng Iyong Pangarap
Ay, ang pangarap
di magluluwat
at magaganap–
tanghaling tapat.
Upang yakapin,
upang damahin
ang paglalambing
ng ginigiliw.
Tula nang tula!
Tata