«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Kompleto,dahil sayo

by yAna03

Pagkakaibigan na walang makakapantay,

Habang tayong dalawa ay sabay maglalakbay.

Sa lahat ng problema ay laging magkaramay

Hay aking kaibigan,O kay sarap mabuhay!

 

Ako’y laging masaya tuwing ika’y kasama,

Pagmamahal at gabay ay laging damang-dama.

Wala tayong iwanan hangga’t wala sa tuktok,

Lalampasan ang lahat,kahit anong pagsubok.

 

Buhay ko’y nakompleto,ng dahil lang sa iyo,

Bakit nga ba ganito,buhay ko ay nagbago.

Wag sanang makalimot,kahit na magkalayo,

Pangako ko sa iyo,puso mo’y itatago.

 

Ang ating away bati ay hindi maiwasan,

Pagkakaintindihan ay dapat laging nandyan.

Wag ka sanang bibitaw,O aking kaibigan,

Dahil sa aking buhay,ikaw ang kailangan.

  • Other posts by yAna03
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members






    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!