Adik sa Mensahe ng Outbox at Inbox
Ang bulsa’t kalupi’y siyang dinudukot;
Laging nagpu-full charge at baka maudlot
Ang labis na haling sa mensahe’t pindot.
Ganado’t masipag kapag nakikita
At napapakinggan ang ringtone kayganda,
Ngiti ay mutawi kapag tumawag na—
Girl friends na sina Fe, Lorna’t Adelaida.
Subalit nawala ang outbox at inbox,
Elising umikot ang ulo paghanap;
Lahat nang makita’y tinatanong agad
Palahaw-tungayaw hagulgol pa’ng iyak.
O, kayong maraming na-adik sa celfon,
Nawa’y matutuhang higitin ay sint’ron.
Bgy. Yukos, Nagcarlan, Laguna
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends






July 5th, 2008 at 5:27 pm
Si Fely ginawang Peping na makisig
si Lorna’y tinawag na Orlang ka-klasmeyt
at si Adelaida’y Adelmong may anghit;
sa celfon, h’wag lamang mahuli ni misis!
At nang may text message si Neling ka-txtmate;
habang naliligo ang sa txt na-adik.
Binasa ng misis, naku napahindik,
agad na sumigaw sa banyong napinid.
At sino ba itong Neli sa txt messege?!
Aba’t itong adik, wala ni ’sang saglit,
diyata’t naghanda kapagka nagipit:
“iyan ang kabayong, may swerte na tiket!”
Misis ay nainis, agad bumunghalit:
“At ang kabayo mo’y I LOVE YOU raw!! Bwisit!!