Adik sa Mensahe ng Outbox at Inbox (Sagot kay Tata)
Si Fely ginawang Peping na makisig
si Lorna’y tinawag na Orlang ka-klasmeyt
at si Adelaida’y Adelmong may anghit;
sa celfon, h’wag lamang mahuli ni misis!
At nang may text message si Neling ka-txtmate;
habang naliligo ang sa txt na-adik.
Binasa ng misis, naku napahindik,
agad na sumigaw sa banyong napinid.
At sino ba itong Neli sa txt messege?!
Aba’t itong adik, wala ni ’sang saglit,
diyata’t naghanda kapagka nagipit:
“iyan ang kabayong, may swerte na tiket!”
Misis ay nainis, agad bumunghalit:
“At ang kabayo mo’y I LOVE YOU raw!! Bwisit!!
Other posts by Ezzard R. Gilbang
Share this post with friends






July 5th, 2008 at 9:14 pm
Tangkab ng palusot
sa sinintang irog,
sa text na ang sagot
I love you my Irog,
ganyan pagpalusot
makatang malibog.
Hehe..
Tula nang tula!
Tata