Laing-Ilokano
Nakatikim ka na ba ng laing-Ilokano?
E, pinakbet-Bolanon? Di ka pa isinilang
Kung di ka pa humigop ng mistisang dalisay.
—
Nakatikim ka na ba ng tusinong-Ilonggo?
E, inasal-Ivatan? Humayo ka’t mabuhay
Nang makalasap naman ng Kabitenyang makaw.
—
Dapat ay mabagal-marahan ang kain
Sa Bicol Express ng mga lumad-Kingking,
Pigaan ng marang ang basing-Mauban.
—
Bagnet ng Surigao, pansit ng Masbate,
Litson ng Cagayan, bibingka ng Leyte;
Sa Maynila, luntian lagi ang buhay-buhay,
Sanghaya ring maangkin ang mga kulay-kulay.
Other posts by Fermin S. Salvador
Share this post with friends





July 4th, 2008 at 7:09 pm
ka Fermin,
SA KAMAY-KAMAYAN
sentetikong lamig
sentetikong tubig
sentetikong buwig
pati ba ang pakbet?
July 4th, 2008 at 12:56 pm
Kuya Sam,
minsan ay naaalala
noong nasa Maynila pa
lutong sikat sa probins’ya
meron lahat pero kopya.
July 4th, 2008 at 12:18 pm
ka Fermin,
naghanap ng dighay
bituka’y napa-hay,
tumulo ang laway
sa ‘yong ibinanghay!
kuya Sam