«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Paglangoy ng Prinsesa ng Mga Bituin

by Raul Funilas

Paglangoy Ng Prinsesa Ng Mga Bituin

Pulos dagim-papawirin ang bumabalot sa lugar
Romblon, kalapit ng Burias. Isang barkong lula’y daang
Iginiya ng timonel na sabi’y maraming alam,
Nabigador na bihasa sa lawak ng karagatan.
Sablay ang gawang disisyon nang ipasiyang ibirit—
Elisi ng barko’y tangkab-bahura at tumagilid
Sa tapat ng San Fernando. Hindi narinig ang tinig
At ni walang nakakita sa Prinsesang ubod-rikit,
Bitwing lumangoy sa dagat at tuluyan nang sumadsad,
Ilang oras ang dumaan at ang lahat ay nagulat,
Takot ang nagbadya’t luksa ang bumabalot sa dagat;
Umiikot-ipoipo ang tulong ng maglalayag.
Isang trahedya na dapat ay hindi na nauulit
Ngunit ang mga may-ari ng barko’y mga suwitik.

30 Hunyo 2008
UP-Diliman

  • Other posts by Raul Funilas
  • Share this post with friends Share this post with friends

    2 Responses to “Paglangoy ng Prinsesa ng Mga Bituin”

    1. Ezzard R. Gilbang says:

      Sa paglangoy ng prinsesa

      na pumalya ang makina

      at nang biglang mabahura

      tungki na lang ang nakita!

      si Frank daw ang s’yang may sala!

      sulpicio raw ang problema!

      coast guard daw na nagpaarya!

      kapitan daw na lumarga!

      sisihin daw ay PAG-ASA!

      overload daw ang kargada!

      guidelines ang deperensya!

      ang malas daw ay si gloria!

      ang bulok daw ay sistema!

      si bayaning puro porma!

      si gentlemang puro gasta!

      si dyesebel na sirena!

      baha kasi sa espanya!

      banggaan sa avenida!

      trapik kasi dun sa EDSA!

      mahal kasing gasolina!

      sa bigas ay pumipila!

      mahal kasi ang de-lata!

      tambak kasi ang basura!

      etsetera! etsetera!

      kuya Sam

    2. Rod Escobin - LBNHS says:

      Tata,
      Pangkaisipan po ang inyong tula, humahamon ng isip. Maganda po. Marami po akong nakukuhang talasalitaan sa inyong mga tula.

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!