Ibon Mang May Layang Lumangoy
Tao’y may layang lumipad
Ang imahinasyon.
—
Kinainggitan ang ibon
Na supling ng ulap.
—
Naging Superman
At Boeing.
—
Isang Boeing ang tao sa gitnang-alapaap.
—
Nilampasan pa ang mga ibon,
Sinisipat na lang sa ibaba.
—
Karaniwan na sa ngayonÂ
Iyang Boeing,
—
Nahulog ang kaibahan
Ng tao sa ibon,
—
Ngunit ibon ma’y may laya
Na sumisid.
Other posts by Fermin S. Salvador
Share this post with friends




