«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Alay kay Inay

by fe_capcake

Ang hirap pala mag-isa…
Walang makasama, walang makausap
Walang nagtatanong kung “kumusta ka na?”
Hay! Buhay nga naman… Wala silang  pakialam
Kung alam lang ng lahat… Marahil magtataka sila.
Paano nga ba? Paano ko ito kinakaya?
Kahit ako hindi ko na rin alam.
Siguro dahil gusto ko maging masaya si ina.
Gusto ko masaya silang sama-sama.
Dahil kailangang makaya ko para sa kanila.
Mahirap kanina lang umiiyak ako
Masakit pero tinitiis ko…
Walang mag-aalaga at mag-aasikaso
At mag-aalala lang ang ina kong mahal.
Ayaw kong maka-abala sa mga tao
Ayaw kong mag-isip ang nanay ko.
Kahit masakit titiisin ko
Kahit mahirap kakayanin ko.
Kahit malungkot ok lang ako
Basta masaya sila ayos na ako
Malaman ko lang na “ok” ang lahat
Masaya na ako.
Lahat ng tiis gagawin ko para sa inyo.

  • Other posts by fe_capcake
  • Share this post with friends Share this post with friends

    4 Responses to “Alay kay Inay”

    1. fe_capcake says:

      Salamat Po! Maraming Salamat.
      God Bless

    2. Fermin Salvador says:

      Ang mahalaga’y sumulat ka lang nang sumulat ng tula pag iniuutos ng iyong puso. Mahigit sa kalahati ng “pinakadakilang” tula sa buong mundo ay naisaaklat nang wala na ang sumulat sa lupa. Sa kababaihan, unang halimbawa si Emily Dickinson. Samantala, wala pang 10 porsiyento ng mga tulang nailimbag sa kapanahunan ng sumulat ang matatagpuan pa ngayon o may saysay pa sa sangkatauhan.

    3. fe_capcake says:

      Salamat po sa inyong comment. Tulad po ng ibang manunulat, nais ko sanang mailathala sa isang aklat ang aking mga tula. Maari po ba ako’y inyong tulungan.
      Salamat po.

    4. Fermin S. Salvador says:

      anumang tulang nagpapahalaga sa ina ay maganda.

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!