Supoy*
Magaang umaga tuwinang gigising,
Ang hahagilapi’y ang mutawing bilin;
Silakbo ng lakas ang aatupagi’t
Isip ay pagtulong upang paalipin.
Pawis na naglusak sa buong katawan,
Ang ngiti’y kapalit nang walang anuman;
Gaano mang ingkat sa tarik ng hagdan.
28 Hunyo 2008
Pook Amorsolo
UP-Diliman
*boluntaryo
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends





June 28th, 2008 at 5:33 pm
E, aba’t walastik
at hitik na hitik
kay Tata’ng pagsungkit
sa bungang akrostik!
kuya Sam