«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Bulong Ng Himpapawid

by Raul Funilas

Nagbulungan nang palihim ang tag-ula’t bahaghari,
Na sila raw ang huhudyat sa paglitaw ng pag-asa;
Magbubuhos na malurok sa bukiring pag-aari’t
Ihuhubog ang balantok ng kulayang masagana.

Nagbulungan ding humakhak ang sabalas at habagat,
Sisipulan ang amihan na ang simoy ay ipukaw;
Isisingkaw ang pamakaw sa pag-asang pinagtiyap
Upang hindi makasilay ang liwanag sa silangan.

Naseselos nama’y ulap dahil ito ang may kalong,
Nitong tubig na hinigop sa pusod ng sintang laot;
Uli-uli’t ipoipo’y nakihalong nagmamaktol
Dahil sila’y di inimik sa bulungang ibinunsod.

Ang bulunga’t pagtitiyap ay maganda sa sinuman,
Kapag walang yayapakang kaibiga’t kabungguan.

  • Other posts by Raul Funilas
  • Share this post with friends Share this post with friends

    One Response to “Bulong Ng Himpapawid”

    1. Ezzard R. Gilbang says:

      Ang bulunga’t pagtitiyap na ‘yong nais na turingan
      ay may yakap at bungguang may linamnam sa sinuman!

      ASTIG ‘to Tata!

      kuya Sam

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!