Barako
Sawikaing basal nina ama’t lolo:
“Iwas ang maligno’t dadaa’y barako!”
Taguring kaytagal natanim sa ulo
Ang maging matatag lantay ang prinsipyo’t
Timbangang katwira’y laging nasa gitna—
At kinokorona pawawalang wika.
Ngunit pag nagalit ikaw ay humanda’t
Gugurlis sa isip ang yanig ng lupa.
Bawat matatapang mayroong katapat,
Asiwang manuyo sa magandang dilag;
Ragasa ang kabog ng puso pag malas
Ang musang inibig ng wagas at tapat.
Kusang sumusuko paniwala’t bagsik,
O, lalo’t kayakap ang anak na paslit.
27 Hunyo 2008
School of Urban and Regional Planning (SURP)
UP-Diliman
Other posts by Raul Funilas
Share this post with friends






June 27th, 2008 at 6:21 pm
BAgul saka bagun kung nananalaBA
RAket at kanyones kung umiintraDA
KOloreteng kara kung gabi at Fiesta!
he he..akrostik din to Tata…at meron pa sa dulo!
kuya Sam