Ano’ng nakakahiya?
Ano’ng nakakahiya?
kung magtinda ka ng isda
Ang mag-alaga ng matanda
. . . na nangangailangan ng kalinga
Mapuno ng grasa ang mga kamay mo
. . . nang dahil sa pagmemekaniko
Tiisin ang baho at dumi sa pagbabasurero
Ang mangalyo ang mga kamay
sa kinapipihit ng tubong dadaluyan ng tubig
Sino naman ang mang-iismol?
sa isang magpi-fishball
Di niyo dapat hinahamak
Mga manggagawa ng hallow-block
At ano naman ang nakaliligalig?
kung balak mong magtinda ng palamig
Lalong hindi nakakaines
ang magtinda ka ng Calamares
Mabuti na ito, ika’y nirerespeto
Kaysa kumuha ng hindi naman sa iyo.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Hunyo 23, 2008, gabi
Rod Escobin - LBNHS
Other posts by Rod Escobin - LBNHS
Share this post with friends





