«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Nagsalita ang Watawat

by olivercarlos

Mabilis na inakyat ng itinaas na watawat

Ang dulo ng tagdan ng kanyang kasarinlan.

At sa gitna ng pagbubunyi

Nagsalita ito at kinausap ang lahat: 

Mula rito, nakikita ko ang dikit-

dikit na gulong na dumidiin

sa bubungan ng mga pasakit

nilang sa  estero ay nagpapaypay

ng himutok sa bituka  ng mga dampang tirik. 

Sila yaong ginigising ng impit na sigaw

ng kalam sa gitna ng kawalan

ng tinig

bagaman dinig

sa mga ungol nila ang panimdim;

ang minumumog na daing

at nilalanggas na hilahil

na sa araw-araw ay balaraw

na itinitimo sa kanila ng mga limatik at sakim–

na kung bakit ang tumbong ay kailangan pang himurin  

at sa kanila’y tiklop-tuhod na manalangin

bago pa ilaglag ang mumong-kanin.  

Mula rito, umiiling ako sa piling

ng mga ihip ng panimdim

ng hanging naghahanap, sumusukat

sa hangganan ng mga pagtitimpi

sa kinakalkal na sugat sa dangal nilang nagpapagal -

akyat-manaog sa mga estribo, tutop

ang sikmura nguni’t taas-kamaong

nililinaw ang mga ano at bakit ng kanilang pag-aaklas.  

(sila na tumindig at piniling manatili

sa kubol ng mga piketlayn, hindi man batid .

kung bukas o mamaya lamang, bubuwagin

pipisakin ng mga upahang kampon ng demonyong kapitalista) 

Mula rito, nakikita ko

at naririnig ang tunay na awit

ang di matapos-tapos na hibik… 

At umusal ang watawat:  

baligtarin ang lahat.  

  • Other posts by olivercarlos
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!