«  ARCHIVES  Live Help Today's date:


Share this post with friends Share this post with friends

Serbisyo Publiko

by Ezzard R. Gilbang

Umuwing aburido
sa asawang nalito
si Jacintong sorbetero
matapos ireklamo
doon sa presinto
ang sumagasang awto
na di huminto ang takbo.
Ang sabi ng kabo;
kailangan sa asunto
ang patotoo ng mediko
at akusa ng abugado.

Nilagnat ng husto
itong si mang Jacinto
kaya’t itinakbo
sa hospital-publiko.
Wala na raw kwarto,
ang ward ma’y okupado.
Gagawan daw ng remedyo;
pero kailanga’y deposito,
maghanap daw ng aabono.
At may nakapagpayo
na magpunta sa munisipyo
o maghanap ng NGO
o ahensya ng gobyerno;
kailangan lang daw ay endorso
ng mataas na politiko;
o ang natipong mga resibo
ng ospital at serbisyo;
kaylangan din ng rertrato,
o kahit nakunan ng video.

Lalong naagnas ang bubungang yero
sa panaghoy na tudong-todo,
pagkat si Jacintong naargabyado
ay namatay sa tetano.

Asawa’y napasaklolo,
ngunit tutulong kaya’y sino?;
para sa ataul at sa nitso.

Kapitbahay na osusero,
nagsabi “ah, sigurado!
pagkamatay ng asawa mo
ay wala pang sertipiko
kaya hindi maidederetso
ang bangkay sa sementeryo
ng Tsino o Pilipino!”

  • Other posts by Ezzard R. Gilbang
  • Share this post with friends Share this post with friends

    Leave a Reply

    Help us Fight Spam!


    Search for a Poem

    Quick links to writers works

    Essays & Short Stories by Writers Group Members

    Order your copy here





    This page is protected by COPYSCAPE   Alert us
    About Us - Terms of Use - Privacy - Knowledge Base - Contact Us - Place an Ad    [Register / Login ]
    EMANILAPOETRY, PINOY VERSES and TULANG PINOY are trademarks owned and operated by emanila.com pty ltd.
    © 2005, 2006, 2007, 2008
    emanila wins!