P A G K A L I G A L I G
Ahay! Si don pepe, ngayo’y nakaratay.
Nasa kanyang tabi ang batang maybahay.
Kapwa lumuluha’t kapwa naghihintay.
Binigkis ang usal, nagdaupang kamay!
Pilit pinagsanib, magkaibang kulay
ng luhang dahilan sa pamimilaylay:
Ay! Ang kay don pepe, takot na mamatay;
Sa kanyang asawa, baka sya’y mabuhay!
Other posts by Ezzard R. Gilbang
Share this post with friends






June 26th, 2008 at 10:32 am
Ka Ezzard
Ganda! Ala e!
Apat na eme…
ang gusto niring
batang babaeng
sobrang salbahe
po kay don Pepe.
Tula nang tula!
Tata