Kung mahalin ka ay mali
Kung mahalin kita ay isang pagkakamali….
Kung mahalin kita ay isang pagkakamali,
Di ko na nanaisin pang maging tama,
Kung isang kasalanan ang makasama kita,
Tatanggapin ko ang anumang parusa.
Kung mahalin ka`y labag sa iyong kalooban,
Di na ipipilit pa ang nararamdaman,
Ngunit kung magbago man ang iyong isipan,
Hayaan mong dalin kita sa kalangitan.
Kung di sana ipagkakait sakin ang sandali,
Hanggang buhay mamahalin ka ng may ngiti.
At kung sa Diyos man na ipagtatalaga,
Pumanaw may lalong iibigin kita.,
Kung lilisan ka man sa aking piling,
Di parin maaalis ang aking pagtingin.
Nag-iisang sanlang naiwan sa akin,
Ala-ala mo`y di mananakaw magpahanggang libing.
Kung di mo man naririnig mga salitang galing sa bibig,
Isisigaw k0 ito sa bu0ng daigdig.
Tatahakin ang daan ni Magellan,
Nang maiparating ang mensahe sa sandaigdigan.
Kung sa pagbagsak mo wala ako
Pag nadapa ka walang sumalo
Asahan mong sa iyong pagtayo
Kamay ko ang babangon sayo..
Other posts by Rogelio Miranda
Share this post with friends




