Be Specific (kung hihiling kay Lord)
Nakaluhod
taimtim ang usal
ng lalaking nagdarasal
sa harap ng altar
“ sa inyo po, O’ Diyos
aking hinihiling,
sana’y magbuntis na
ang tanging babaing
nagmamahal sa akin”
sa kanyang pag-uwi
nadatnan si misis
salubong sa kanya’y
nagliparang damit,
baso, sandok, walis at platong may pansit…
ang sigaw ni misis:
“si Inday ! si Inday !
hayan nagdududuwal !
ang sumbong sa akin, iyo raw ginapang !”
( kooyaah… ‘wag pu! )
Other posts by olivercarlos
Share this post with friends






June 19th, 2008 at 2:34 pm
hi fretzie…true-to-life po yan! nyehehehe! drama yan dapat e.
ewan ko kung bakit nagkaganyan ang istorya. huhuhu!
June 19th, 2008 at 1:50 pm
Hahaha..nakakatuwa naman ito..